Lamahista
Kabanata Labing Tatlo
“Monica!” Pang-anim na tawag ko kay Monica habang patuloy sa pagtakbo. “Monica, sandali!”
Tumigil siya at hinarap ako. Malalim ang kanyang paghinga. Gayun rin ang pinanggagalingan ng kanyang mga titig. Wala na. Wala na si Monica na bestfriend ko. “What?” She snapped.
Tahimik lang akong pinagmasdan siya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang katanggap-tanggap na paliwanag na pwede kong bigkasin.
“Ano?!” Tanong niyang muli. “Pwede ba? Sinasayang mo ang oras ko.”
“G-galit ka ba?”
Umiling siya at tumawa. “Hindi noh. Bakit naman ako magagalit sa’yo eh hinalikan mo lang naman si Aries. Ba’t naman ako magagalit eh tinraydor mo lang naman ako.” Sabi niya at tumawang muli habang nakatingala sa madilim na langit. “Nagagalit lang ang isang tao kapag sinadya iyong gawin. Sinadya mo nga ba, Preshiela?”
Mula sa pagkakatitig sa nanlilisik niyang mga mata, dumako sa lupa ang aking tanaw. “Hindi.” Sagot ko. “Hindi ko sinasadya.”
Sinasadya ba ang pag-ibig?
“Ang galing-galing mo talaga!” Umabante siya ng konti palapit sa akin at saka pumalakpak. “Kakasabi ko lang sa’yo, Preshiela. Bawal. Si. Aries.” Pagdidiin niya. “Hayop ka.”
“Maniwala ka sakin, Mo--.”
“Shut up!” Pagputol niya habang winawagayway sa ere ang pareho niyang kamay. “You’re full of shit. Let’s just forget about this. I didn’t see anything. Tutal magaling ka namang magkunwari. Magpanggap ka nalang din na malinis ang konsensya mo.”
Tumalikod si Monica at nagsimulang lumakad palayo. “S-sorry.” Bulong ko sa hangin.
SINIMULAN KONG IIMPAKE ang mga gamit ko pagdating na pagdating ko ng hotel.Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa Manila. Hindi ko alam ang gagawin ko at hindi ako makapag-isip ng maayos hangga’t nasa paligid ko ang mga taong dahilan ng aking pagka-tuliro.
I’ve been in love with him since I started to know how to. Bago ko pa malaman kung pano maglagay ng napkin sa panty. Bago ko pa malaman na hindi gatas ang coffee-mate. At bago ko pa malaman na mahal din siya ni Monica. Hindi ko maintindihan kung saan doon ang pagtatraydor. Gayong nung mga panahong nalaman kong higit rin sa kaibigan ang tingin ni Monica sa kanya, hindi ko na iyon mapigilan. Wala nang posibleng paraan upang lagyan ko ng Great Wall of China ang pagitan ng puso ko at ni Aries. Kahit pa nalaman kong may mga hindi magandang bagay siyang ginawa.
Pagkakaibigan. Pinagsamahan. Oo nga naman, may punto nga naman si Monica. Sa pagkakaibigan, kailangang may mag-paraya. Ngunit kailangan ba talagang ako ang mag-paraya? Walang makakapag sabi o makakapagdikta nun. Maliban nalang kung sa unang pagkakataon sa buhay ko, susubukan kong lumaban. Pero hindi ako kasingtapang ni Gabriela Silang nananipa ng mga espanyol. Hanggang dito nalang siguro ang kahibangan ko. I’ll let it go, but I won’t stop loving. It’s not possible to stop. If it is possible, then it’s not love after all.
“Miss, nandito na po tayo.” Anunsiyo ng driver.
Nagpatulong ako sa kanyang magbaba ng gamit at dalhin iyon sa elevator. Madaling araw na at pagod na pagod na ako. Dumiretso ako sa pinto ng condo habang hila-hila ang mga bagahe ko na hindi ko man lang nagamit. Kinuha ko ang susi upang buksan ang pinto ngunit hindi ito nag-click. Bukas na naman. Kinabahan ako bigla.