Kabanata 2

438 5 0
                                    

Lamahista

Kabanata Dalawa

“She’s pretty. But then she’s always pretty.” Komento ni Bianca matapos makita ang sinukat kong puting gauze eyelet hem sundress na sila mismo ang pumili.

Tinignan ko ang aking sarili sa salamin.

Ako pa rin naman ang nakikita ko. Maliban sa mas pinaikling damit na sa tanang buhay ko ay ngayon ko lamang nasubukang isuot.

Pumili rin sila ng mga pantalong hapit na uso sa mga panahong ito. It’s too skinny. I’m afraid it would cut off my blood circulation.

“There! Oh my gee it is sooooo perfect! You don’t look manang and boring anymore, Presh. I deserve an award here!” Matinis na sabi ni Alyssa matapos lagyan ng kolorete ang aking mukha.

“Mission success, girls!” Sabi naman ni Aureen matapos suriin ang bagong mukha at ibang bersyon ng aking pananamit.

Bumili rin sila ng mga make-up para sa sakin na sigurado akong hindi ko rin naman magagamit.

Alas otso imedya na ng gabi ng matapos namin ang ika nila’y “Mission: Presh to Fresh”.

Hapon na rin kasi kami nakapunta ng mall dahil pare-pareho kaming may mga klase.

Nakasuot ako ng pantalong hapit at itim na boots na may takong at isang walang manggas at medyo loose na kulay abo na pang-itaas. Nakikita ang gilid ng aking kulay bubblegum na bra dahil napakababa ng butas nito na lusutan ng kamay.

Ito imbes ang suot ko pauwi dahil tinanggihan ko ang printed poplin racerback mini dress na pilit nilang pinasusuot sa akin.

“Bye, Presh. I hope you had fun. By the way, you look so goddamn hot. Kung di lang kita bestfriend simula elementary, iisipin kong ibang tao ka nung lumabas ka ng fitting room na yun suot ang mga damit na yun’.” Sabi ni Monica bago pihitin ang pinto ng kanyang silver Porsche Cayman S.

“Nako, wala pa rin naman ito kumpara sa ganda mo Monica.” Balik na papuri ko. “Salamat ha, nag-enjoy ako.” Baling ko naman kila Bianca, Leila, Alyssa, at Aureen na nasa tapat na rin ng kanilang mga auto.

“Bye, Presh. “ Paalam nila sa akin na sinamahan din ng apat na flying kiss.

Isinalansan ko ng maayos ang sandamakmak na paperbags na laman ang pinamili naming mga bagong damit, sapatos, at iba pa sa likod ng aking pulang Mini Cooper JCW.

Hinubad ko muna ang boots na suot ko at itinabi sa passenger seat upang makapagmaneho ako ng maayos.

Nakakapagod ang ginawi naming pag-mall kanina. Nag-enjoy ako, totoo iyon. Masaya rin palang lumabas kasama ang mga babae na maraming alam tungkol sa pagpapaganda.

Iniisip ko din ang sasabihin at magiging reaksyon nila Mama at Papa kapag nakita nila ang mga bagong laman ng aking walk in closet.

Hindi naman sa hindi nila ito magugustuhan ngunit sigurado akong magugulat sila sa biglang pagbabago ng taste ko sa pananamit.

Masarap maging babae. Masarap mag-ayos at magpa-bago bago ng itsura. Iyon ang natuklasan ko sa araw na ito.

Inabot ko ang bag ko at kinapa ang cellpohone habang nagda-drive. Imbes na cellphone ay isang malambot na bagay ang nahagip ng aking kamay.

Tissue.

Ito yung tissue na ipinamunas sa akin ng lalaking may kapangyarihang paganahin ang tahimik na hormones sa loob ng aking katawan.

LamahistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon