Kabanata 11 - Continuation

296 4 0
                                    

Lamahista

Kabanata Labing Isa - Continutation

“Paano kayo nagkakilala?” Tanong ni Leila habang bumabiyahe kami papuntang baguio. Siya kasi ang tinawagan ko ng mag-walkout ako sa nakakaburyong scenario ng dalawang lalaki sa buhay ko.

“Ha?”

Nilingon niya ko at binigyan ng tingin na, ‘Pu-tsa, makinig ka!’. “Si Eros.” Sabi niya at ibinalik muli ang tingin sa kalsada. “If I’m not mistaken, siya yung hot guy na nakita natin sa campus during one of our vacant. No, I can’t be mistaken. Siya yun.”

Nilingon ko siya saglit atsaka tumingin sa bintana. Yun din ang paulit-ulit na tanong sa akin ni Alyssa at Bianca ngunit pinipili kong hindi sagutin. Anong sasabihin ko? ‘Ah, yun si Dude? Sa spa ko siya nakilala. Pumatong siya sa akin tapos nilamas niya tits ko.’

God, no.

“Wala.” Sagot ko. “Isa siya sa mga anak ng kliyente ni Papa.” Sinungaling.

“So, mayaman din siya?” Tanong ni Leila. “Kasi sa nakikita ko, may relasyon kayo. At mayaman ka Preshiela. So he should be, too.”

Nagkibit-balikat lang ako ngumiti bilang tugon. May relasyon nga ba kami ni Eros? I don’t even know half of his life. I am practically fvcked hard and senseless by a man whom I don’t know.

HAPON NA NANG makadating kami ng Baguio. Ang lamig at ang presko ng hangin. Bumaba ako kaagad ng kotse ni Leila. I spread my hands as I continue to savor the cold breeze and the soothing smell of fresh leaves and spice of street foods.

“E-hem. Buhat muna tayo, Presh. Pwede?” Singit ni Leila.

“Ay, sorry.” Ibinaba ko ang kamay ko at tumulong sa kanya sa pagbaba ng mga gamit niya. Na sasakyan kasi ni Aries ang mga akin. “Nasan na kaya sila?”

“Nasa kanya-kanya nang kwarto. Tayo kaya ang huling dumating.” Umirap siya kawalan habang binababa ang huling bagahe.

“Room 512 ka, Preshiela.” Sabi ni Leila habang nagbabasa sa phone. “Share kayo ni Monica. Wag kang mag-reklamo sa akin, siya ang nag-organize at nagpa-reserve nito.”

Tumango ako ngunit nanatili ako sa kinatatayuan ko. Habang si Leila naman ay nagpaalam na magtutungo na sa kwarto niya at tumawag ng empleyado para ipasok ang mga gamit niya sa hotel.

Ano nga ba kami ni Eros? Kung hindi niya sinuntok si Aries kanina, sigurado akong sa kanya ako sasabay. Hindi ko alam kung bakit, pero sa kanya ako sasabay. Baka na-bribe niya ko sa sex in the car.

“Preshiela!” Napatalon ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses niya. “Preshiela.” At papalapit pa iyon. Luminga-linga ako sa paligid.

“Baby.” Sabay hawak niya magkabila kong braso, nasa likuran ko pala siya. Dahan-dahan niya kong hinarap sa kanya.

“Eros naman,” Sabi ko sa napapagod na boses. “Wag ka namang nambibigla. Akala ko nasa loob ka na?”

“Mo?” At naglaro ang mapansabik niyang ngiti. Umiling ako at pilit na tinanggal sa isipan ang imihinasyon na siya’y nasa loob ko.

“I checked your car.” Sabi niya habang inaayos sa isang gilid ang buhok ko. “Kaya ako nahuli.”

Kumunot ang noo ko habang pinupunasan ang grasa sa bandang itaas ng panga niya. “At mukhang hindi siya nasira.” Huh? “Mukha siyang… sinira.”

“W-what do you mean?”

“Sinadya.” Sabi niya atsaka huminga ng malalim.

“Pano mo naman nasabi? Wala namang magtatangkang sumira non.” Hindi sinasadya, atleast.

“Believe me, baby. Lahat ng trabaho napasok ko na. Naging mekaniko ako sa Shop ni Mang Teban sa Guam.”

-_- Ano namang pake ko sa shop ni Mang Teban sa Guam, dude.

“Tara na mga. Hayaan mo na yon.” Sabi ko na lang. Hindi ko mapagana ang utak ko sa harapan ng lalaking madungis at mukhang ulam.

“Share tayo ng kwarto Presh, ha.” Pahabol niya pa habang naglalakad ako sa unahan niya at nasa likod ko siya.

“Not so fast, dude.” Sabi ko at nilingon siya saglit. “I’m with Monica.”

He made this disgusting sound kaya napalingon ako. “Don’t tell me pati siya attracted sa katawan mo?” Tanong niya.

Literal akong napanganga sa tinuran niya. “Dude. What is your problem?” Tanong ko atsaka tumuloy sa pag-akyat papunta sa kwarto namin ni Monica.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan isipin ang sinabi ni Eros. Paano nga kaya kung may sumadyang sumira ng kotse ko? As far as I know, wala akong kagalit. Sinong tao ang tatangkaing sirain ang kotse ko? Para saan? Para… patayin ako?

LamahistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon