Lamahista
Kabanata Pito
Kahit galit at inis na inis, nagpunta pa din ako sa bar na itinext ni Bianca.
Hindi ko alam kung ano ang ikinagagalit ko. Kung galit ba ako dahil naging duwag si Monica para ipaglaban si Aries sa tatay niya. O galit ako.. dahil si Monica ang mahal ni Aries.
Marahil ay pareho kaya't ganito ka-saklap. Masyado na kong maraming iniisip kaya hindi ko na rin ininda ang suot ko. Napaka-fit at napaka-ikli. Konting tuwad ko lang ay paniguradong kita na ang mga panloob ko. Hindi ko na rin inintindi kung ano itong nga inaabot na inumin sa akin ng bartender. Lagok lang ako ng lagok. Kahit hindi ako komportable at naiirita na ako sa pagtingin-tingin niya sa dibdib ko.
Nandito rin si Monica. Nasa VIP table siya, siya na lang mag-isa. Ang iba pa naming kasama ay nagkalat na sa loob ng bar. Eto na kasi ang oras kung saan puro kahayukan na ang ginagawa ng mga tao.
Hindi ko siya kinausap kanina nung nasa VIP table din ako. Hindi ko kaya, baka masigawan ko lang ulit siya at hindi magandang makita iyon ng ibang tao.
Sa isang sulok ng lugar na ito, nakita ko si Alyssa. Nakasampay ang isa niyang braso sa batok ng lalaki at ang isa naman ay bihasa niyang nilalaro gamit ang mga daliri sa malapad na dibdib nito.
Si Rico. Ang ex-boyfriend ni Aureen.
Halatang nananamantala ito. Kitang kita iyon sa ngisi ng tagumpay na nakakabit sa buong mukha niya. Ang mga palad niya ay naglalakbay sa likuran ni Alyssa at ang isa pa ay hindi ko makita kung saan niya isinuksok.
"Don't mind them." Sabi ni Leila na dumadaan sa likod ko. May kasama siyang lalaki at sa tingin ko ay papunta sila sa dance floor kung nasaan si Aureen na pinanindigan talaga ang Chichay week niya. "Masasanay ka din, ganyan siya sa lahat ng ex ni Aureen."
At sa mga oras na iyon, naisip ko, hindi rin siguro masama kung magbabago ako ng konti. Kung babawasan ko ang pakpak ko at palitan ito ng mumunting sungay.
Hanggang nandiyan ang mga taong ginagawa ang mga ganoong bagay, tulad ng kay Alyssa. Hindi ako ang magiging pinaka-imoral na tao sa mundo.
"Is it okay if I join the hottest babe in this club?" Sabi ng isang tinig sa katabi kong stool.
I rolled my eyes. I almost said, 'Sex na lang, may pasakalye ka pang nalalaman.'
I'm a bit tipsy. Okay.. maybe a lot. Pero buti na lang at hindi ko yun naibulalas, dahil ako pala ang kausap niya.
Nung nilingon ko siya ay nakangiti siya at may hawak na dalawang inumin. Ibinigay niya sa akin ang isa.
Habang pinagmamasdan ko siyang umupo sa tabi ko, tila pinagsisisihan kong hindi ko sinabi ang mga iyon.
Nakaka-inggit ang magulo at maitim niyang buhok. Malamlam ang kulay gray niyang mata ngunit palakaibigan na ngiti ang kumukurba sa kanyang mga labi.
Siya ang unang nakapag-pangiti sa akin ng tunay mula ng pumasok ako sa bar na to'.
"Bakit nag-iisa ang napaka-gandang babae sa ganitong lugar?"
Akala ko foreigner. Inihahanda ko na ang english ko pero buti na lang at siya ang unang nagsalita.
"Uhmm.. para pag tinabihan mo ko, walang istorbo." I can't believe I just said that.
Tumawa siya, at magaan at charming iyon.
"Why, is that funny?" Tumagilid ako ng konti upang magkaharap kami. I crossed my legs as I sip my drink. The one he gave me.
Muntik pa kong masamid. Mas matapang ito kesa sa mga ibinibigay sa akin ng bartender.