Kabanata 3

462 2 0
                                    

Lamahista

Kabanata Tatlo 

Apat na palad ang marahas na dumapo at yumugyog sa aking dibdib.

Ang dalawa ay sa taong nakapatong at naka-upo sa aking puwitan, at ang dalawa ay sa akin.

Pilit kong inaalis ang mainit at malangis nitong palad na lumalamas sa aking bundok.

Hindi ko masasabing first instincts ito. Dahil kung first instincts ang pag-uusapan, marahil ay umalis na ko sa aking pagkakadapa at hinarap siya upang tanggapin ang kanyang mga palad na banayad na humaharana sa aking dibdib. Haranang hindi ko kayang hindi sagutin.

Haranang unang nagbigay sa akin ng nakakalito, nakakabaliw, at maka-taas utong na sensasyon.

Ngunit imbes na paganahin ko ang malinamnam kong first instincts, ginawa ko ang second instinct na siyang nararapat gawin.

"Hmm.. Ano ba? Alisin mo yang kamay mo. Hindi pagod ang dibdib ko, ang likod ko ang masahihin mo."

Utos ko sa kabila ng nakagugulantang na katotohanang gusto itong ituloy ng buong katawan at kaluluwa ko.

Hindi ako ipokrita upang itanggi ito. Hindi ako naninirahan sa perpektong mundo tulad ng madalas kong hilingin. Nakatira ako sa mundong puno ng kahalayan at modernong kaisipan.

Hindi ni minsan sa buhay ko naisip na pasukin ang senwal at sekwal na mundo. Nanatili ako sa mundong konserbatibo at walang karanasan.

Ngunit may muang ako. Sakop ng kaalaman ko ang mga bagay na nakapagpapaligaya sa tao. Hindi ko lang talaga ito kailangan.

Or that's what I thought so?

"Ano ba?!" sigaw ko ng may halong inis.

Masarap kesa sa pinaka-mahal na masahe ang nararanasan ko. Ngunit babae din ako, at alam ko kung kelan nababastos na ko.

Itinigil niya ang pagdiin, paghila, at pagpisil sa aking dibdib at naramdaman ko ding umalis na siya sa pagkaka-upo sa puwitan ko.

Nanatili akong nakadapa. May parte sa utak ko na galit akong binubulyawan dahil sa pagputol ng kasarapan. Parte iyon na ngayon ko lamang narinig na dinidiktahan ako at nagsusumamo.

Napapikit ako. Gusto kong pagapangin ang mga kamay ko paakyat ng aking hinaharap at ako na lang tutugon sa sarili kong pangangailangan.

Ngunit bago ko pa man matugunan ang sarili kong pangangailangan, naramdaman kong muli ang pagpatong ng aking masahista sa aking hubad na likuran.

Higit pa roon ay ang naramdaman kong tumutusok sa aking puwitan. Kasabay ng muli niyang pag-aruga sa malulusog kong hinaharap.

Napasinghap ako.

Hinawakan ko ang pareho niyang kamay atsaka inipon ang lahat ng natitira ko pang lakas upang makatihaya at nang makita ko kung sino ang pangahas na taong ipinipilit ang sarili sa akin.

"I-ikaw?"

Ihingi niyo ko ng tawad sa Maykapal ngunit gugustuhin ko pang pumailalim ngayon sa lalaking ito kesa ang mabuhay sa susunod na araw.

Ngumisi siya, katulad iyon ng ngising itinapon niya sa aking nang ginamit niya ang isang pirasong tissue upang kumonekta sa aking libido.

Nakakatuliro. At sa sobrang tuliro ko ay hindi ko na namalayan ang pagdulas ng aking disposable panty pababa sa aking mga hita..

Nanatili lamang akong nakatunghay sa di kapani-kapaniwalang nagyayari sa ibabaw ko.

Nawalan ako ng lakas upang umimik. Nawalan ako ng kakayahang mag-isip. Nawalan na rin ako ng saplot.

LamahistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon