Lamahista
Kabanata Siyam
“I-I’m sorry.”
Sabi ko habang inaalis niya ang seatbelt ko nang ihatid niya ko sa condo ko kinaumagahan. Sobrang lapit ng mukha niya at humahampas ang hininga niya sa dibdib ko.
“For what?” Tanong niya at saglit akong sinulyapan.
“Sa pagbato ng lipstick… kagabi.” Sabi ko habang nakayuko’t nakatingin sa mga kamay ko na nakapahinga sa aking mga hita. “At sa pagbato ng tissue box.”
Naisip ko kasi na mali yung ginawa ko. Nakakahiya ang inasta ko. Ano naman kung may nakaupo ngang ibang babae duon bago ako at nalaglag ang lipstick niya sa loob. Wala na dapat akong pakialam dun dahil hindi ko hawak ang karapatan sa kanya.
Tumawa siya at ginulo ng bahagya ang buhok ko.
“It’s okay, baby.” Sabi niya at napatingin ako sa kanya. Hindi ako sanay na tinatawag niya ko sa ganun. Kung kay Aries nga, ilang taon ako bago naging komportable. “Sige na, pasok ka na.”
Nasa tapat na kami ng condominium building na tinutuluyan ko. Nginitian niya ko at kinuha ang kaliwang kamay ko. Banayad niyang hinalikan ang likod niyon.
“Uhm. You might want to come with me.” Anyaya ko. “Let’s have breakfast first. At my pad.”
God. What am I saying? Don’t reject it please. Don’t turn me down.
“Preshiela.” Ngumiti siya at pinagpatuloy ang pagsasalita. “I have other creative ways to come with you, baby. But… yeah breakfast will do.”
Napangiti ako duon. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagpayag niyang samahan akong mag-almusal o dahil sa mga naiisip niyang kahalayan na pwede niyang gawin kasama ako.
“You go up first. I’ll just park my car.”
Tumango ako at kinuha ang purse ko. Binigyan ko siya ng isang ngiti bago tuluyang lumabas ng kotse.
“Preshiela.” Hinawakan niya ang kamay ko kaya’t napabalik ako sa pagkakaupo sa kotse.
“What is it?” Tanong ko.
“I want my breakfast…” He paused for a while then looked at me with lustful gaze from head to foot. “… to be served on you.”
I can imagine him eating breakfast. On me. Like, literally. At namula ako dahil duon. It is both gross and amazing.
“Go.” He gave me a quick kiss before I step out of the car.
Wait… does that mean I have to be naked, too?
Ano ba yan, Preshiela. Get a grip! Ang aga-aga yan nasa utak mo.
Nakangiti ako habang naglalakad sa hallway papunta sa unit ko. Kinuha ko ang susi sa loob ng purse ko—na ipinagpapasalamat kong hindi ko nabitawan at naiwanan sa club kagabi—at ipinasok iyon sa knob.
Nawala ang ngiti ko at kumunot ang noo ko ng hindi na naman nag-click iyon. Bukas na naman to’? Sigurado akong nai-lock ko iyon kahapon bago ako umalis at pumunta ng bar. I can’t be wrong this time.
Kinakabahan, dahan dahan kong itinulak ang pinto at pumasok rito.
Napahinto ako ng makita ko ang isang lalaki na nakatayo sa harap ng bookshelf ko. Nakatalikod ito sa akin at hindi ko makilala. Umakyat ang kaba sa dibdib ko at hindi ko maiwasang mag-isip ng mga paraan kung paano ko hahatawin sa ulo ang lalaking nakapasok sa loob ng unit ko ng walang permiso.