Prologue

737 7 0
                                    

Lamahista

Prologue

 

Preshiela Louise Alfonso Que

Mula sa kagalang-galang, perpekto, at respetadong pamilya. Unica hija at nag-iisang anak. Atleast, iyan ang alam ng mga tao.

Maipagmamalaki at may ipagmamalaki.

Lahat ng kaayaa-ayang katangian na hahanapin mo sa isang miyembro ng perpektong pamilya ay hindi ka mabibigong makita sa akin.

Nagpupunas ako ng mismis sa gilid ng aking mga labi gamit ang pamunas na inihanda at inilapag sa aking mga hita.

 

Hindi mo maririnig ang aking tinig na nakaiiritang umaalingawngaw sa hallway ng school, canteen, o kung saan pa man.

 

Magara, class, at konserbatibo ang pananamit.

 

Hindi ngumingiti na lagpas sa sukdulan at depinisyon ng pagiging mayaman at elegante.

Iyan ang kabalikat ng aking pangalan at ng aking pagkakakilanlan. Ngunit bilang mga indibidwal, kailangan nating tanggapin na hindi lahat ng katangian na pinagkaloob sa atin ng Diyos, kung Diyos man ang naglagay at nag-disenyo ng ‘mga ito’, ay batid natin na nasa ating pagkatao.

Lahat ng iyon, lahat iyon na nagtatago sa madilim kong anino ay mapusok at mainit kong natuklasan.

Sa isang silid na kung saan ay dapat akong humihimlay upang maalis ang aking pagod ay naramdaman ko mismo ang tunay na pagod.

Hindi na ang mga pamunas na nakalatag sa aking mga hita ang nais kong dumampi sa gilid ng aking mga labi.

Hindi mo maririnig ang nakaiiritang tinig ko sa mga hallway ng school o kung saan pa man ngunit mauulinigan na ang mga hinaing ng aking tinig na nagiging ebidensya ng labis-labis na langit. Hindi sa hallways o kung saan pa man, ngunit ang ‘kung saan pa man’ ay maaari ring gamitin.

Hindi na naging issue sa akin ang pananamit, lalo pa’t natuklasan kong hindi ko ito kailangan sa mga panahong maligaya ako at pawis.

Hindi na madalas kumurba ang marangyang ngiti sa aking mga labi ngunit marahas na itong natataniman ng sarili kong ngipin sa tuwing ako’y nababaliw, nawawala sa sarili sa hindi maipaliwanag ngunit masarap at makapintig cl*toris na paraan.

Lahat ng ito ay dumagdag sa mga nadiskubre ko sa aking sarili ng isang gabing ibinuhos ko ng walang pag-iimbot ang aking sarili, sa unang pagkakataon, sa isang misteryoso at makalaglag katinuan na estranghero.

Sa isang lamahista..

 

Hindi ako ito. ‘Yan ang unang rumehistro sa utak ko ng isang gabing iyon.

Ngunit naisip ko, masarap rin palang maging ‘hindi ako’ kahit minsan sa mga sandaling walang pahintulot ng aking sentido o ng aking magulang o ng karaniwang pananaw ng mga tao.

LamahistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon