Lamahista
Kabanata Labing-Lima
“So Ms. Que, how are you related to Mr. --” Ibinaba ni Miss Punzalan ang kanyang makapal na salamin at humilig bahagya paabante upang tinignang masuri ang lalaki kaharap ko bago pasadahan ng tingin ang birth certificate at record sa previous university nito. “ .. Mr. Eros Villanuevo.”
It was already at the tip of my tongue. The answer. But thank goodness – before I can even say it, I was able to think about it. At nang tapunan ko ng tingin si Eros, he’s equally thrilled by the question as me.
Umupo ako ng tuwid habang tinatanggap ang mapagtanong na masid ng dalaga ngunit nasa 30’s na na Presidente ng University ko at pinage-enrolan ni Eros.
B-boyfriend? Nilingon kong muli si Eros na kasalukuyang nakatingin rin sa akin, hayag sa mga mata ang pagkainip at pagkabalisa. No. Definitely not a boyfriend.
Dahan-dahan kong ibinalik kay Ms. Punzalan ang mga mata ko na ngayon ay nakataas na ang isang kilay at tila sabik na naghihintay ng sagot. Kaibigan? Yes. Pwede na yon. A friend can volunteer to pay for his tuition fee and everything, right?
“I don’t think that’s necessary for my application form, Miss.” Sabi ni Eros bago pa man ako makasagot. Umupo siya ng tuwid at inilagay ang siko sa lamesa ni Ms. Punzalan. Humilig siya paharap dito at binigyan ng isa sa mga bihasa niyang ngiti.
Narinig kong matalas at mabilis na humugot ng hininga ang babae at nag-ayos ng upo. Probably trying and struggling to keep her guards up over this alpha male. “And who are to say that, Mr. Villanuevo? A question that is asked is always necessary.” Itinaas nito ang isang kilay habang ipinapantay ang mga balikat sa mataas na lebel.
Yumuko ng bahagya si Eros at inilagay ang mga daliri sa kanyang baba na ngayo’y may nagkalat na three day stubble along his jawline. Kasabay ng pag-cross ng kanyang mga binti ay kanyang banayad na pagtawa. “Boring question, Ms. Punzalan.” Nag-angat ito ng tingin at itinama sa apat na mata ng guro. And once more, I heard her gasped for some air. “Why don’t you ask questions that are.. I don’t know, tricky?” Tinignan niya ang mukha ng babae, tulad ng paraan ng pagtingin niya sa akin at hindi ako natuwa doon. Tinignan niya ito hanggang lumapag sa dibdib nito ang kanyang mga mata. What the fucking hell?
Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila. Tensyon na hindi ako kasama. Larawan ng moderno, matapang, at independent na babae si Ms. Punzalan. Maganda at sopistikada. Sa ilang taong pag-aaral ko sa university na to’, nakita kong walang taong hindi apektado sa kanya. Estudyante, professor, guard, at kahit na sino pa man. Nakaka-indimidate ang babae kaya’t bibilib na talaga ko kay Eros kung gagana sa kanya ang pinagggagawa niya.
Iniayos lamang ni Ms. Punzalan ang kanyang mga salamin atsaka nagsalita muli bagama’t bakas sa kanyang mukha ang hindi pagkapalagay. “I’m sorry, Mr. Villanuevo. But we can’t grant your request. Magkaiba ang curriculum ng Unibersidad na to’ sa dati mong pinapasukan. You have to take all the course this University offers for your second year here as a marketing student.”
Are you freaking serious? Tatlo nalang ang natitira sa mga subject ni Eros na kailangan niyang i-take para umabante na siya sa third year at ngayon gusto niyang bumalik ito sa pagiging second year? Hindi ako kumbinsido sa curriculum-de-puta na pinagsasabi nitong babaeng to’. Mas kumbinsido ako na gusto niya lamang patunayan that she still have it. She still have the power over everyone. Even over this Goddess for a man in front of us.
“Preshiela, why don’t you get some drinks for this beautiful lady?” Sabi ni Eros habang naka-ngisi. Ang bersyon ng mukha niyang hindi gagawa ng mabuti. Awtomatikong umarko ang mga kilay ko at bumukas ang bunganga upang sabihing, ‘What?’. Ngunit walang tinig na lumabas. “Come on.” Bahagyang sinipa niya ang aking kaliwang paa. I swallowed hard to refrain myself from grabbing his collar and dragging him out of this hell of a room. Tumayo ako at nag-excuse kay Ms. Punzalan na hindi ko naringgan ng pagtutol.