Prologue

23.3K 681 469
                                    

Hi! This is Yen! Before you read, I'd like you to know that I am currently revising some parts of ISY. I don't know when it will take me to finish revising but you can still read the unrevised parts naman.

For my previous readers, you might notice some changes but nothing exactly major. I'm just changing some dialogues that I don't agree with anymore as an adult. I wrote this as a teen and that was a long, long time ago. So I was hoping to straighten out some questionable conversations and dialogues in this book!

Thank you for having your time to read this. Hope you enjoy it still! ❤️

***

Prologue
   I saw you

"Have you ever been in love?" she asked, as her eyes started to tear up again.

Huminga ako ng malalim at nag-iwas ng tingin. Malayo siya sa akin dahil nasa magkabilang dulo kami ng bench. Ayaw ko siyang tignan dahil kahit naman binansagan akong "London — Ang Dakilang Fuckboy", kahinaan ko pa rin ang luha ng mga babae. Lalo na ang luha ni Cash.

Para na kasi siyang kapatid sa akin at ayaw na ayaw kong umiiyak siya dahil lang sa walang kwentang bagay o walang kwentang tao.

Iniiyakan niya ngayon 'yong boyfriend niyang panget naman kung tutuusin. Nakita niya kasing kaclose nito 'yong isang babae na noo'y pinagbawalan na niyang lapitan pa.

Ang nakakainis lang. Palagi niyang iniiyakan 'yon, pero ayaw naman niyang tigilan. Hindi ba 'to nagsasawa kakaiyak? Kung ganito ang magmahal, magiging single nalang ako habang buhay.

Sa tuwing nakikita ko siya, umiiyak siya. Unang beses palang naming magkakilala noong elementary, umiiyak na siya. Pero iyon ay hindi dahil kay Volt (na mahal na mahal niya), kun'di dahil sa akin. Sa kalokohan ko bilang batang bubwit.

Oo na. Gago na 'ko kasi napaiyak ko siya. Aksidente ko kasi siyang nahalikan sa labi noon. First kiss niya na napunta sa kagaya kong tinuturing niyang babaero. Alam niyo 'yung parang sa teleserye na matatalisod tas aksidenteng magkakambunggo 'yong dalawang main leads? Ganoon ang nangyari! Tumpak. Sapul na sapul.

Humingi naman ako ng paumanhin kahit hindi iyon sadya. Tsaka kapag kasi si Cash ang umiiyak...parang pinipiga rin ang puso ko.

"Pang-ilang beses mo nang tinanong sa akin 'yan?"

"Eh hindi mo naman kasi sinasagot!" maktol niya. Nilingon ko siya. Nakatingin siya sa akin at kumikinang ang luha sa kanyang mga mata.

"Paano ba malalaman kapag umiibig ka na?"

"Malalaman mo naman 'yon," aniya. Ang gulo nito.

"Paano nga?"

"Edi kapag tumibok 'yang puso mo," she moved her hand and pointed at my chest.

"Nasa sinapupunan palang ako ni Mommy, tumitibok na puso ko. Ibig sabihin ba no'n, matagal na akong in love?" tanong ko.

Sumimangot siya't humalukipkip. Mabuti't huminto na ang pag-tulo ng luha niya. At least ngayon, matitignan ko siya ng diretso. Mamumula nga lang ang halos buong mukha niya. Maga ang mga mata at pulang-pula ang ilong at pisngi.

Akala niya ata'y maganda siya 'pag umiiyak...well, tama naman siya.

"Kapag bumibilis 'yong tibok ng puso mo."

"Noong hinabol tayo nung aso ni Pyrus, bumilis ang tibok ng puso—" napatigil ako nang bigla niya akong hinampas sa braso.

"Gago. Seryoso kasi," she said in a cold tone. I stifled a laugh.

I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon