Chapter 6: Sorry

7.6K 455 165
                                    

Cause I just need one more shot at second chances, yeah, is it too late now to say sorry?

{ Sorry by Justin Bieber }

Habang abala sa pagtuturo ang propesor namin, abala naman ako sa pagpapawala ng antok. Sa buong buhay ko, mas madalas pa akong antukin sa klase kesa makinig sa discussion. Kaya madalas ding bokya ako sa exams.

Sa totoo lang kasi, mas masarap talagang matulog kesa mag-aral.

Hindi talaga para sa akin ang pag-aaral. Sisipagin lang ako mag-aral kapag chikababes 'yong prof. Aba, sino bang lalaki ang hindi magiging attentive sa klase kapag mala-Pia Wurtzbach ang propesora?

Naalala ko nanaman si Ma'am Trinity, prof ko sa business mathematics. Sobrang naging good boy ako sa klase niya. Todo recite pa ako. Naka-1.50 pa ko 'don kasi sineryoso ko talaga ang subject niya. Nakaka-inspire mag-aral kapag uber-sa-ganda ang nagtuturo.

Pero ngayong ang prof namin ay isang panot na matandang lalaki, wapakels ako sa klase.

Inabot ko ang marker ng katabi ko saka sinimulang mag-vandal sa inuupuan kong armchair. Gumuhit ako ng hotdog at dalawang itlog dahil 'yon na pinakaperfect na nai-do-drawing ko. Wala akong talent sa pag-guhit.

Buti nalang mas attracted ang girls sa lalaking may nakakahumaling na boses at mukhang walang kapantay sa kagwapuhan.

"There are five senses, namely, the sense of sight..." blablabla. Kahit i-try ko makinig, wala talagang pumapasok sa utak ko.

Napatingin ako sa phone ko na nakapatong lang sa armchair. Bigla itong umilaw at nagvibrate. Agad akong napangiti nang makitang tumatawag si Cash. Inabot ko iyon at nilingon ang prof naming may sinusulat sa white board.

"P're, sagutin ko lang 'to," bulong ko sa katabi ko. Nakalimutan ko pangalan nito eh pero kaklase ko na siya ever since. Tumango lang siya habang abala sa pagte-take down ng notes. Sipag ah. Picturan ko nalang notes niya mamaya.

Dahan-dahan ay lumabas ako sa classroom saka sinagot ang tawag ni Cash, "Hey, Admiral, need anything?"

I heard her laugh softly. "Quit calling me that."

"Why not? Parte ka na ng The Admirals. You're an admiral now," ngisi ko. Sumandal ako sa pader sa gilid ng pinto.

Hindi siya nag-salita. 'Di pa rin ata talaga siya makapaniwala na parte na siya ng banda. Kung sinabi niya sa akin noon na gusto niyang sumali, papatalsikin ko talaga si Theo para maging kabanda lang namin siya. Good thing na rin na umalis si Theo pati si Volt eh. At least, makakatikim na rin si Cash ng totoong happiness na 'di mabigay no'ng bugok niyang boyfriend.

"Bakit? Ano ba gusto mong itawag ko sa'yo? Babe? Baby? Sweetiepie? Honeybunch? My Boo?" biro ko.

"Gago," natawa naman siya. "'Wag mo kong itulad sa mga babae mo."

"Iba ka sa mga babae ko," I said, as a matter of fact. Iba naman kasi talaga siya sa kanila. 'Yong mga 'babae' ko, nagagawa kong paglaruan. Siya? Wala akong balak gawin siyang laruan. Good boy kaya ako pagdating kay Cash.

"Bakit ka nga pala napatawag?" tinignan ko ang wristwatch ko. "Sa pagkakaalam ko'y may klase ka pa ng ganitong oras?"

"Meron nga," she answered. "Pakinggan mong mabuti, kasalukuyang nagdidiscuss prof namin."

"Discussion nga ng prof namin, 'di ko pinapakinggan eh," natatawa kong sabi pero hindi siya muna nagsalita para marinig kong nag-didiscuss nga ang prof niya.

I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon