Chapter 11: Date

6.1K 326 109
                                    

Kaliwa at kanan, harap at likod. Ano mang anggulo, titigan ay bumibigay ako.

{ Sana by Up Dharma Down }

Days flew by quickly. Our last band practice went smooth and steady. I could say na handa na kami para sa battle of the bands sa Friday. I'm confident with my band so I'm not really nervous.

I know Pyrus and Kirk are as confident as me. Matagal-tagal na rin naman kaming tumutugtog. Sumasama pa kami sa gig dati so we're quite experienced.

My only concern here is Cash. It isn't the first time na magpeperform siya sa harap ng madaming tao pero ito ang first time niyang sumali sa isang band competition. Cash isn't the most positive person I know so, I'm sure she's thinking of the worst that could happen in the actual event.

Kaya naman nang ihatid ko siya pauwi ay kinausap ko siya. Ayaw kong maramdaman niya ang pressure ng kompetisyon. I just want her to enjoy and leave all her worries behind.

"Hindi ko naman maaalis 'yong nerbyos. But I promise gagawin ko ang best ko para sa banda," she said. "Natatakot lang ako na baka ako ang maging dahilan ng pagkatalo natin."

Ngumiti ako't pinitik ang noo niya. "Kung matalo man tayo, may mga susunod na pagkakataon pa naman. Basta ba'y huwag mo kaming iiwan sa ere, hindi kami magtatanim ng galit sa'yo."

"Ba't ko naman kayo iiwan sa ere?" she raised an eyebrow.

"Baka kasi biglang sumulpot 'yong boyfriend mo tas makumbinsi kang huwag na tumugtog," puna ko. "Nagkausap na ba ulit kayo?"

She nodded. "We talk everyday naman pero wala lang talagang nag-oopen up ng topic tungkol sa pagsali ko sa banda mo. I don't want to mention it either kasi mag-aaway nanaman kami. But he knows I'm firm with my decision. Bahala na siya if he's against it."

I can't help but smile. For the first time in forever, sumuway siya sa gusto ng lalaking 'yon. No one's prouder but me.

Sinukbit niya ang shoulder bag niya't binuksan na ang pintuan ng sasakyan para makalabas. "Thank you sa paghatid."

"No prob," nag-thumbs up ako. "Make sure to take a rest."

She flashed a smile and gave me a nod. "Ikaw din..."

Tinaas niya ang kanang kamay niya't sumaludo sa akin. Ganoon din ang ginawa ko.

Nakagawian na naming sumaludo sa isa't isa bago tuluyang maghiwalay. Siya ang pasimuno no'n. Cute daw kasi, sabi niya.

I waited 'til she's inside her home before driving away. Hindi pa naman ganoon kagabi kaya pupwede pa akong dumiretso sa bar but I decided against it. Kapag nalaman nanaman ni Cash na hindi ako umuwi agad, magagalit nanaman 'yon.

Medyo nababawasan nga ang pagiging malandi ko sa gabi dahil palagi akong napag-sasabihan ng babaeng 'yon. Takot na takot siyang magkaroon ako ng sakit. Mas takot pa sa akin eh. Ilang gabi na tuloy akong walang naikakama.

Hanep nga eh, nakakatiis ako. Occupied din kasi ako ni Cash ngayon. Kapag bumalik na boyfriend niya, free nanaman akong lumandi. That's how it works most of the time.

Bukod kay Mommy, si Cash na talaga 'yong babaeng kaya akong patinuin kahit papano. Hindi man ako nagiging sobrang matino, bahagya namang nababawasan kalokohan ko dahil sa kanya. Para na nga kasi kami talagang magkapatid. Sabi nga niya, I'm the brother she never had. And I guess, she's the sister I never had. The question is, am I satisfied of being just a brother-figure to her?

I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon