Chapter 24: CHFIL

4.9K 270 39
                                    

Take my hand
Take my whole life too
For I can't help falling in love with you

{ CHFIL | Elvis Presley }

We were having a mini celebration in Pyrus' condo unit because of the success of our previous guesting in a mall show. Based on people's reactions and comments sa social media, maraming namangha sa banda namin.

The management released a full video of our performance at ayon, nadagdagan ang mga kasali sa aming Navy. Ang dami na nga ding gumagawa ng fanpages sa Facebook pati sa Twitter. May mga poser na nga din na kumakalat. 'Yong iba mas madami pang followers kesa sa mismong account ko.

Sooner or later, we'll have our own mall tour. Hindi na namin kailangang isingit pa sa mga shows ng ibang sikat na artista. Actually, Miss Isla is proposing that we make our own single na papatok sa masa. Hindi pwedeng irevive lang namin ang kanta ng iba. I have series of composed songs though. Kaya lang ay hindi ko naman ipinaparinig kahit kanino kasi hindi naman ako magaling sa pag-sulat. Maybe I'll let Cash hear it next time so I know her opinion about it.

Pasimple akong umakbay kay Cash nang nagkakatuwaan ang mga kaibigan ko. Kitang-kita ko ang masaya niyang ngiti habang tinitignan ang kalokohan ni Pyrus at Tiara.

I grazed the tip of my nose on her cheek, up to her ear. Damn, ang bango niya. "Hindi ka pa inaantok?"

"Hindi pa..." she said without looking at me. "Why? Antok ka na?"

Bago pa man ako makasagot ay nagsi-ubuhan na ang mga kabarkada namin. Halata namang peke ang kanilang pag-ubo. Pyrus showed me a cocky grin habang si Kirk ay nakataas ang kilay pero may multo ng ngiti sa labi.

Isinubsob ko ang mukha ko sa kanyang leeg at bahagyang natawa. Sa totoo lang ay medyo inaantok na talaga ako dahil sa pagod at sa nainom na alak. I'm just trying to stay awake because she's still awake. Mabuti nga't hindi siya gaanong uminom ngayon.

"So, kayo na?" Marga was the one to ask the bomb.

Hindi ako sumagot dahil hindi ko rin naman alam. Cash and I never talked about our relationship. We grew closer and closer every passing day but nobody dared to open up kung ano talaga ang mayroon sa amin.

I love her, that's for sure. It just took me long enough to admit it to myself. But I love her. I really do...

I just don't know if she feels the same way. I'm hoping though...

"Parang ganoon..."

Her answer made me lift my head. Tinignan kong mabuti ang kanyang ekspresyon. Seryoso ba siya? Parang ganoon? What does that even mean?

Parang kami pero hindi?

"Nubayan! Ang showbiz ng sagot! Oo o hindi lang!" reklamo ni Tiara.

Cash let out a soft laugh. Unconsciously, she played with my hand. Hindi ko tuloy alam kung saan ako magpofocus, sa maganda niyang mukha, sa isasagot niya o sa kamay kong bahagya niyang minamasahe.

"Eh kayo ba?" she dodged the question to Pyrus and Tiara. "Kayo na?"

Pyrus laughed and pulled Tiara for a hug. Talagang nakamove on na yata ito sa aking pinsan. I wonder what Demi would feel about this. Sabagay ay abala naman iyon kay Theo.

"Obvious ba?" natatawang sagot ni Tiara. Naalala ko tuloy 'yong babae sa news na nakatulog sa van.

Pumikit ako't pinatong ang noo sa balikat ni Cash. My eyes feel so tired. Ang isang kamay ko ay pumadausdos sa kanyang tiyan para mayakap siya.

I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon