Chapter 39: La Vie En Rose

3.3K 164 22
                                    

Give your heart and soul to me
And life will always be
La vie en rose

{ La Vie en Rose | Louis Armstrong }

-

London only stayed for two days with me before he went back home to his family. Kahit pa gustuhing mag-tagal ay hindi niya magawa dahil may mga kailangan pa siyang ayusin sa planong business. Ang alam ko, isa sa mga tita niya ay mayroon ng sariling restaurant at malago na rin. Nga lang, mas sikat iyon pag-dating sa pastries.

Bukod pa doon, gusto ring bumawi ni London sa kanyang mga magulang. Malaki rin ang tampo sa kanya ni Tita Bri at ng mga kapatid. Matagal siyang nawala at kung noo'y close sila ng kambal, bahagyang nalayo ang loob nila sa kanya. But I'm sure they will understand soon. Siguro'y bibisita din ako sa kanila kapag nagkaroon ng oras.

For now, London and I settled with simply texting or video calling. Pero dahil mas abala ako sa trabaho, kapag gabi lang kami talaga nakakapag-usap. May mga oras na hindi ko nahahawakan ang aking phone at pag-bukas ko noon napakadaming mensahe ang galing kay London.

Pa-minsan may naisisingit pa na video na ginagawa niya sa isang sikat na app ngayon. Ang isa doon ay ang emosyonal niyang pag-lip sync sa isang kantang hindi ako pamilyar pero ang lyrics ay ako ay pinagpalet pero 'di yon masaket, alam ko sa sarili ko na ako'y mas higet yah.

It was so cringey that it got stucked in my head. Minsan habang nasa elevator ako ay tumutugtog iyon sa utak ko!

At night, we would talk about random things that happened on the past. Hindi siya nauubusan ng kwento. Sabi niya nga'y isinulat niya daw sa isang notebook ang mga kwentong gusto niyang sabihin sa akin para daw hindi niya nakakalimutan.

Samantalang ako'y wala masyadong maikwento dahil ang nangyari sa pitong taon ko ay tila paulit-ulit lamang. Medyo nakagalitan niya nga ako doon dahil bakit daw hindi ko ineenjoy ang oras ko at masyado akong nagpaka-lulong sa trabaho. I realized, it was indeed regretful.

Kaya pinangako sa sarili ko ngayon na bawat araw na dadaan ay hindi ko dapat sasayangin. I should enjoy each day to the fullest because like what London told me, everyday is a blessing and a gift. Kaya hindi dapat nasasayang ang bawat araw nang hindi ko ineenjoy ng may ngiti sa labi. Iyon daw ang palaging nasa utak niya noon.

Suprisingly, my days became lighter and more stress free despite the stresses at work. Pakiramdam ko nga sumobra ang pagka-radiant ko nitong mga nakaraang araw dahil halos lahat ng nakakasalubong ko ay pansin iyon.

Payapa ang bawat araw at gabi. Kahit pa minsan kapag mag isa, naiisip kong baka temporary nanaman ito. May parte sa akin na hindi makampante. Siguro ay talagang ganoon ang magiging reaksyon ko dahil sa mga nakaraang napagdaanan.

Madalas kasi ay ganoon ang nangyayari. Kapag sobrang payapa ko sa lahat, may dadating na tila delubyo sa buhay ko. Kung kailan okay na, saka may darating na magpapabalik sa akin sa lugmok.

Pero kung sakali mang maisapan niya muling umalis, hindi ko pa din siya pipigilan. At sa susunod, mas gagawin kong makatuturan ang buhay ko habang wala siya.

I realized that when he left, the life in me left with him. I was too dependent on him that for seven years, I got stucked. I remained in the same place and in that place it grew darker and darker. The darkness consumed me and made me selfish and bitter. I won't let that happen again.

To live is to move forward. And even if someone you love leaves you, if the love is true, in the right moment, you will be together.

"Coffee?"

I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon