Chapter 4: Little Girl

8.3K 471 254
                                    

Little girl, little girl, why are you crying? Inside your restless soul, your heart is dying.

{ Viva La Gloria (Little Girl) by Green Day }

The kiss wasn't bad at all. Her lips taste bittersweet and is very addictive. Mas tinamaan yata ako sa halik niya kaysa sa alak na nainom.

I would've had prolonged the kiss if not for the need to breathe. Siya ang unang lumayo. Inangat niya agad ang tingin sa akin habang hinihingal dahil sa nangyari.

Pulang-pula ang mga pisngi niya, kahit ang kanyang labi. She looks flushed and very hot.

I grinned in amusement. Kaya naman pala hindi ito pinapayagan ni Volt na mag-lasing. Bigla nalang nanghahalik.

Mabuti nalang at ako ang kasama niya. Ako ang nahalikan.

Kahit papaano, may self-control ako dahil kaibigan ko siya. Eh kung ibang lalaki? Baka mapaaga pa ang new year niya.

May mapaglarong ngisi sa kanyang labi habang palapit nanaman sa akin para sa isang halik.

Hinapit ko ang kanyang baywang. Bahala na. Sino ba naman ako para tumanggi? Nang-aakit siya eh!

Just when our lips are about to touch, her expression turned sour.

And before I could even stop her for whatever she's about to do, the worst thing that could happen tonight, happened!

Ang mahusay na babae'y inubos ang laman ng tiyan niya sa akin!

Napangiwi ako sa sobrang pandidiri habang tinitignan ang suka niya sa aking pang-itaas. She puked once more making me jump from my seat.

Tinulak ko siya palayo at nawalan na ako ng pakialam kahit muntik na siyang mahulog sa kinauupuan niya. "What the fuck, Cash?! What the fuck?!"

She winced at my curse and glared at me. Pero lumambot din agad ang ekspresyon niya bago ngumiti, "Nakakasuka ka humalik."

Tapos natumba na siya sahig. Walang malay. Hindi ko na siya nasalo.

Abala ako sa pandidiri sa suka niyang nakadikit sa damit ko. May strands pa ng pasta!

Tangina. Kadiri! Ang baho!

Ayan napapala mo, London, hayok na hayok ka kasi sa halik. Nasukahan ka tuloy!

"Sir, ako na bahala kay Ma'am," ani ng bartender na kanina pa ata nanonood sa amin. "Mag-palit ka na muna ng damit."

Umiling ako't dahan-dahang hinubad ang t-shirt ko. Halos masuka na rin ako sa amoy. Maluha-luha na ako habang inaalalayang mabuti ang pagtanggal ng damit ko dahil isang maling galaw lang ay bubuhos sa mukha ko 'yong sinuka niya.

Tinapon ko agad sa isang gilid ang hinubad kong damit saka pinunasan ng panyo ang aking sarili. Mabuti't hindi pa kumakapit sa akin ang amoy. Pero kahit ganoon, ang baho pa rin!

Lintek 'yan! Dapat talaga bayaran ni Cash ang services ko! Mahiya naman siya!

Mukha ba akong inidoro o kaya basurahan para sukahan niya? Sa gwapo 'kong 'to?

Sinulyapan ko si Cash na nakabulagta sa sahig. Inis ko siyang nilapitan at hinila patayo. "Hoy, gising!"

"Sir, tulungan na kita," pagmamagandang loob nung bartender. Nilingon ko siya't sinabing kuhanan na lamang kami ng taxi dahil wala akong dalang sasakyan. Sumunod naman ito.

"Hoy, Cash!" sigaw ko saka siya tinapik sa mukha. "Gising!"

Ano akala niya, bubuhatin ko pa siyang parang prinsesa? Matapos niya akong sukahan? Hindi. In her dreams! Asa!

I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon