Chapter 2: Pansamantala

9.3K 470 225
                                    

Pansamantalang unan sa tuwing ika'y nahihirapan. Pansamantalang panyo sa tuwing ika'y nasasaktan.

{ Pansamantala by Callalily }

Basang-basa ang balikat ko matapos umiyak si Cash ng sampung baldeng luha. May panyo naman akong inalok pero mas trip niya talagang ako ang gawin niyang panyo't pamunas ng luha niya.

Gusto niyang nakayakap sa'kin kasi bukod sa huggable ako, gwapo rin ako kaya hindi na niya pinalampas ang oportunidad na maka-tyansing sa akin.

"Tumigas ka..." hikbi niya na ikinalaki ng mata ko. Anong tumigas? Alin?

Bahagya akong lumayo sa kanya para dungawin si Baby London. Hoy, tumigas ka ba? Parang 'di naman ah!

"London! What the heck? I'm not talking about your maleness!" mahina niya akong tinulak palayo sa kanya. Umayos siya ng upo't sinamaan ako ng tingin kahit pa patuloy ang pagtulo ng uhog niya. I mean, luha plus konting sipon.

"What I mean is, medyo naging hard yung built ng katawan mo. Unlike before. Nag-wowork-out ka ba?"

Tumawa ako't napakamot sa aking batol. Masyado talagang berde ang utak ko. Minsan nakakahiya na. Pwede naman kasi niyang sabihing 'wow, naging macho ka, London' imbes na 'tumigas ka'.

"Oo. Madaming chikababes sa gym, maganda ang tanawin. Tsaka mas gusto ng mga babae ang mga may muscles na lalaki," inangat ko ang braso ko't pinakita sa kanya ang aking nakakasindak na biceps.

"Hindi naman lahat ng babae ganoon ang gusto. Kadiri kaya minsan yung masyadong malalaki ang muscles."

"Kaya pala patpatin ang boyfriend mo," tumango-tango ako as if ngayon ko lang narealize iyon. Hindi naman ako ganoonh kamatipuno, sakto lang din. Mas payat nga lang si Volt. Isang ihip ko lang doon, talsik 'yon papunta sa Pluto eh.

Inismiran niya lamang ako. "Hindi naman ako tumitingin sa pisikal na anyo. Pinakaimportante pa din ang ugali."

Ugali? Eh mas ayos pa ugali ko sa boyfriend niya eh!

"So, kung ako ang nanligaw sa'yo, hindi mo ako sasagutin dahil kahit ubod ako ng kisig, pangit ang ugali ko?"

At inirapan po ako ng iyaking babae. Mahilig siyang mang-irap talaga. Minsan natatakot ako kasi bago biglang lumuwa yung mata niya, mahimatay pa 'ko sa gulat!

Hindi niya sinagot ang tanong ko at wala naman akong pake sa isasagot niya dahil unang-una sa lahat, hinding-hindi ko siya liligawan dahil isang beses niya na akong binasted nung naging crush ko siya dati. Pangalawa, tropapips kami niyo. At pangatlo, masyado siyang loyal sa kanyang boyfriend.

"Ingat-ingat ka sa mga kalokohan mo, London. Iba gumalaw ang karma," aniya habang naiiling.

Ang problema lang, hindi ako takot kay Karma. Wala akong kinakatakutan. Matapang ako!

Well, meron palang isa. Takot akong mabangasan ang mukha ko. Masira na lahat, 'wag lang ang gwapong-gwapo kong face.

Pero joke lang 'yon, syempre, may takot ako sa Diyos. Hindi man halata pero pala-simba talaga ako. Miyembro ako ng choir sa church namin at tumutulong ako sa mga service. Kaso ayon nga, kahit nagsisimba ako, hindi ko matigil ang pag-gawa ko ng sandamakmak na kasalanan. Totoo naman kasi 'yong sinasabi nilang, Hindi lahat ng pala-simba, mabuting tao. Minsan, nagbubuti-butihan lang.

I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon