Epilogue

4.5K 208 40
                                    

Epilogue
I Saw You

"Have you ever been in love?" she asked softly.

Natigil ako sa pagpupunas ng mesa at napabaling sa nag-tanong. Her brown eyes look both dreamy and curious. Her long hair curled naturally like waves behind her. Suot ang uniform ng pinagtatrabahuang restaurant, pati na ang apron, masasabi ko agad na hindi iyon bagay sa kanya.

Natalie Jones is my co-worker and I have worked with her for a few months now. Tingin ko nga lang ay mas bagay siya na mag-artista o model dahil maganda talaga ito. Mala-Emma Watson types ganoon lalo na dahil sa kanyang British accent.

Ngumiti siya sa akin at gumamit pa ng sign language para itanong muli ang kanina. I chuckled and turned to what I was doing. Nagpatuloy ako sa pag-punas ng mesa habang patuloy siyang tumingin sa akin at naghihintay ng sagot.

Love, huh?

Siguro kung tinanong niya ako ng kaparehang tanong na iyan noong bata, bata ako, I would say, Ha? Anong love? Nakakakain ba 'yon?

Joke! That's what bitter people would say. 'Yong mga takot na ulit umibig. But then, I'm not like that. The young me never had his heart broken before. I play the game and break hearts. Kaya hindi iyan ang isasagot ko sa tanong na iyon. When asked the same question, the young me would probably just laugh at it and kiss the girl who asked.

Looking back now, the teenager London is both a curse and a nightmare to any parent. A troublemaker and a player, jumping from one girl to another. Walang planong mag-seryoso sa buhay. Tamang go-with-the-flow lang. Bulakbol sa pag-aaral at ang gusto lang ay ang mag-banda at makipag-tootoot sa girls.

Hindi naman ako totally non-believer ng pag-ibig noon. I just don't believe that I would eventually feel it and experience it too. I did not believe that I, a known heartbreaker, am capable of loving someone more than I would ever love anyone in this world.

Isa pa. Love makes people do stupid things. Things that are hard to imagine. Things that make the person in love be blinded with what they call love. Some would even settle for something less than they truly deserve just because they say they love the person. Ehem, Cash.

I chuckled at the thought. Hindi ko kailanman inisip na isang araw, magpapakalulong ako sa larong iyan. Hindi ko kailanman inisip na magagawa kong mag-seryoso. At sa tao pang, alam kong una palang ay talo na.

Cash Debacle Wycliffe. When asked about anything related to love, her name would always be the first thing that would come to my mind now.

Mabilis na dadako ang utak ko sa mga mata niyang kumikinang at sa mga ngiti niyang matatamis. Kapag tumawa ay parang anghel at kapag umiyak ay para akong dinudurog.

She's the only woman whom I have fallen in love with. Deeply and crazily in love with.

"I have asked you this many times but you never answer me," maktol ng kasamahan saka kumuha ng mop para linisin ang sahig. Ngumuso ito habang ginagawa niya 'yon. Ang kulot niyang buhok ay sumasayaw sa bawat galaw niya.

This girl likes me. I thought.

Halata siya palagi dahil sa mga kuryosong tingin at minsa'y pasimpleng pag-aya sa akin na kumain sa labas. Hindi na iyon bago sa akin. S'yempre, gwapo't maappeal talaga ako. Haha!

Well, kidding aside, sa huling napasukan kong trabaho sa Paris ay may nagkagusto rin sa aking katrabaho. Mas masaya at magaan nga lang kasama itong si Natalie dahil alam niyang mag-sign language. At hindi rin siya agresibo.

The last girl was extremely aggressive. Muntik pa ako nitong halikan sa labi at mabuti nakaiwas ako. The last girl I kissed was Cash. Ayokong palitan iyon at kung iyon na nga ang magiging huling halik namin, babaunin ko iyon hanggang sa hukay.

I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon