Chapter 25: Maybe the night

4.9K 223 34
                                    

Moon has never glowed this color
Hearts have never been this close
I have never been more certain
I will love you 'til we're old

{ Maybe the night | Ben & Ben }

Kabadong-kabado ako habang tinititigan ni Tito Loki. I promised Cash that I'll tell her father about us as soon as possible. Kaya kinabukasan palang, pagkahatid ko sa kanya'y humarap na ako kay Tito.

I thought it would be easy but damn, I can feel my hands shaking. Talagang iniwan pa ako ni Tita Maxie at Cash dito! If Tito decided to kill me, no one will stop him.

Goodbye, baby London. You will be missed.

"I don't know what to say," singhap ni Tito matapos ang ilang minutong katahimikan. Napapikit siya't napahawak sa kanyang noo. "Cash just broke up with Volt while he's..." di niya tinapos. "And now this? Maaga talaga akong tatanda sa anak ko!"

I wanted to tell him that he's already old pero baka lalo lamang itong magalit sa akin. Magpapabango muna ako sa kanya.

"Kailan pa?"

"Uhh, kagabi lang po, tito..." mataman kong sabi. Nangunot ang noo niya. "Did you court her?"

Oh, shet. Patay.

"Tito, kailangan pa ba 'yon? Liligawan ko naman po siya araw-araw hanggang sa pumuti na buhok ko..."

"So you're planning to be with her 'til you're old?"

Ano ba naman 'tong si Tito? Aba syempre! Mamahalin ko ba naman si Cash kung wala akong balak makasama siya ng panghabambuhay.

"S'yempre, tito. Para saan pa po na naging kami kung hindi kami magkakasama hanggang sa tumanda?" kabado kong sabi.

"Papakasalan ko po si Cash..." I added. Lalong sumeryoso ang kanyang mukha. Pinunasan ko ang pawis na namuo sa aking noo. Centralized naman ang AC nila pero namamawis ako dahil sa kaba.

"Mahal mo ba siyang talaga?"

"Opo," agap ko.

"Ang mga babae mo?"

"I'm done playing, Tito..."

Umiling-iling ito, tila hindi nakumbinsi sa maiksi kong sagot. Hindi ko rin naman ineexpect na sasang-ayon agad si Tito. I have a reputation of playing a girl's heart. Kahit ako man ang ama ni Cash ay mahihirapan akong ipaubaya ito sa lalaking may ganoong reputasyon. Sana lang ay walang manligaw sa anak namin ni Cash na kagaya kong loko-loko. I would raise hell if someone break my daughter's heart. Pero matagal pa naman 'yon...

Nangako pa man din ako noon kay Tito na hindi ko idadamay si Cash sa aking laro. Pero hindi naman ako nakikipaglaro ngayon. Seryoso ako kay Cash. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Ang lumingon siya sa akin at ibigay ang atensyon niya.

Laging ako 'yong nakatingin mula sa malayo. Ngayon lang dumating ang pagkakataong pareho kaming nakatingin sa isa't isa. Hindi ko kayang basta-basta na lamang bumitiw dito.

Tumikhim si Tito Loki saka tinawag si Cash para maihatid na ako sa labas. He didn't say anything after that. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Cash nang maihatid ako sa gate.

"I'm sure he'll accept us soon," sabi niya ng may ngiti sa labi. "'Pag nakita niyang sa'yo ako masaya, mawawalan din ang mga pangamba ni Daddy. Basta ba ay hindi ka mambababae..."

"Hindi ako mambababae, Cash. Behave kami ni..." nilingon ko ang baba ko.

Tumawa siya't hinampas ang aking braso. "Siguraduhin mo lang!"

I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon