Chapter 16: Ulan

5.4K 322 92
                                    

Hindi na naproofread. Enjoy.

Tumakbo sa ulan
Mundo ko'y kinalimutan
Kamay mo'y hinawakan
At hindi nagkahiyaan

{ Ulan | Parokya ni Edgar }

"Paano kapag naka-isang libong origami cranes ka na? Ano na gagawin mo?" Pyrus asked while folding a blue paper.

"Pamimigay ko," nakangiting sagot ni Cash habang abala din sa pag-gawa ng origami.

"Kanino?"

"Sa mga bata," she answered. "I'm planning to do a volunteer work involving kids. Ipapamigay ko iyan sa kanila bilang regalo."

"Isn't it better if you give them toys instead? Masisira lang din nila ito. They won't appreciate it," singit ni Kirk. May point.

"Sang-ayon ako kay Kirk, Cash," sabi ko. Inangat niya ang tingin sa akin. "You think so?"

Tumango ako. "But we can teach them how to create something like this," inangat ko ang origami na natapos ko.

Compare sa gawa nilang perpekto't pantay, mukhang pambalot lamang ng tinapa ang akin.

"Mukhang pang-punas ng pwet 'yang gawa mo!" halakhak ni Pyrus. Sinipat ko siya. Puta 'to.

"He did great," Cash said saka kinuha ang gawa ko. She showed me a sweet smile. "Kesa sa mga una mong gawa. Pasado na 'to."

I grinned and picked up another piece of paper.

For the past few days, I could say that Cash has been genuinely happy. Iilan pa lamang ang na-aaccomplish namin sa bucket list niya ngunit sa tuwing may natatapos kami'y kitang-kita ko ang kislap sa kanyang mata. Nawawala lamang iyon sa tuwing tumatawag ang epal niyang boyfriend na walang ginawa kundi sirain ang kasiyahan ni Cash.

Nagalit nga ito nang malamang nag-paputol ng buhok si Cash. If he's here, I would've crushed his face already. Ano ba pakealam niya? Buhok niya ba 'yong ginupit? Hindi naman!

"Nakakailan na ba tayo?" tanong ni Pyrus saka inistretch ang katawan.

We have a gig later tonight. We practiced a bit earlier. Pero dahil may iilan pa kaming bakanteng oras ay napagpasyahan kong ayain sila sa pag-gawa nitong mga paper cranes.

"I don't know. More or less 100 palang," ani Cash.

"At talagang 1000 origamis ang balak mong gawin?" manghang tanong ni Pyrus. "Tibay ah."

"Pampalipas oras lang naman ito," sabi ni Cash saka inilapag ang isa pang natapos niyang gawa. She then told us she'll make something for dinner so we could eat before going to our night gig.

"Does her boyfriend know about this?" tanong ni Kirk nang makaalis si Cash.

"About these paper cranes?" si Pyrus. "Kailangan ba pati pag-gawa ng ganito ipagpapaalam sa boyfriend?"

"I mean, 'yong gig natin ngayong gabi. Alam ba 'to ni Volt?"

Nag-kibit ako ng balikat. "It's our of your concern."

Hindi na siya nag-salita matapos iyon. We continued making origamis 'til Cash called us for dinner.

"Salamat sa pagkain!" Pyrus cheered before digging in.

I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon