Chapter 26: Bulong

6.1K 235 85
                                    

Ako'y alipin ng pag-ibig mo
Handang ibigin ang 'sang tulad mo
Hangga't ang puso mo'y sa akin lang
Hindi ka na malilinlang
Ikaw ang ilaw sa dilim
At ang liwanag ng mga bituin

{ Bulong by December Avenue }

London Baltimore Constantine has always been the most annoying yet the most caring friend I have. He may be the most notorious playboy in our batch, but to me, he is a good friend. He has always been there when I'm at my lowest. Someone I could depend on in times of need.

He is my anchor. I don't know what I would do without him.

Abala ako sa pagtetake down ng notes sa isang subject namin dahil papalapit na ang quarter exam. Nakikinig akong mabuti sa aming guro. I am not the smartest girl, but I wanted to graduate with high grades. Ang goal ko ngayon ay magkaroon ng pwesto sa honor roll dahil iyon lang ang kaya kong ibigay kina Mommy ngayon. To study hard and make them proud.

Kung may pinakakinatatakutan man ako'y 'yon ay ang ma-disappoint ko ang parents ko. I am not afraid to fail, I'm afraid to let them down.

Iyon nga lang ay ibang tao talagang walang pakealam kung maging pasakit sila sa mga taong nag-kecare para sa kanila. Lalo na't kung nakukuha lahat ng gusto. Kagaya na nga lamang ni London. Hindi ko nga lang alam kung anong plano niya sa kanyang buhay.

I looked at his assigned seat, and he's still not there. Nag-cutting nanaman ang loko! Siguradong ipapatawag nanaman ito sa guidance. We are not allowed to cut class, lalo na't high school pa lamang kami.

Hindi na niya inisip ang mga nagpapaaral sa kanya. I know he grew up getting everything that he wants. Pero sana manlang ay pagtuonan niya ng pansin ang eskwela. His grades always range from 75-79. Pasang awa na lamang simula pa noong elementary kami. He certainly likes to play around, always focused on things that will not benefit him in the future.

I sighed. Matagal ko na siyang gustong pangaralan. I tried once but his attention was always divided. Mas gusto niyang ituon sa mga girlfriend niya ang atensyon niya kesa makinig sa mga pangaral ko. Hindi na mabilang sa sampung daliri ko ang mga naging jowa niya.

Besides, si Tita Bri nga na kanyang ina'y hindi siya napapasunod madalas. Ako pa kayang kaibigan niya lang?

"Pyrus, please remind your friend, London, that if he have no plans of attending my class, ibabagsak ko na siya." Dinig kong sabi ng teacher namin kay Pyrus.

Nilingon naman ako ni Pyrus para humingi ng tulong. Umiling ako't naglakad na palabas ng classroom kasama ang mga kaibigan kong sina Tiara at Marga. I can't do anything to change London's way. Sana nga'y ibagsak nalang siya't hindi pagraduatin para madala.

Pumasok si London sa huling subject namin ng araw na iyon. As usual, his playful grin lingered on his lips. Ang mga mata'y mapaglaro at puno ng kalokohan. His hand was on his girlfriend of the day's waist. I recognized her as one of the transferees sa mga sophomore.

She looks a bit mature for her age. Ang labi'y mapupula at ang mata'y nanlalaki dahil sa nilagay na eyeliner. Her neck was a bit red too. Nagtagal ang tingin ko doon. I'm sure they made out before going here.

Ang bata niya pa para sa ganoon! At ito namang kaibigan ko'y walang humpay sa pagpatol! Kahit sino yatang masarap sa paningin niya ay papatusin niya.

London kissed her goodbye bago tuluyang umalis ang babae. Siya pa talagang lalaki ang inihatid sa classroom namin! Dapat ay siya ang naghahatid, not the other way around. Tss. Ano ba ang nagustuhan ng mga babae sa kanya? He's not even a gentleman. And also, he's a kiss and tell! He woul always tell his friends kapag naka-score na siya! He treated girls like they are trophies. Disgusting!

I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon