Chapter 18: Ngiti

5.8K 321 61
                                    

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo, ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin ang lihim kong pagtingin

{ Ngiti | Ronnie Liang }

"Isang strawberry waffle, tsaka isang vanilla ice cream," sabi ko doon sa babaeng tiga-kuha ng order. Mabenta ang kanilang booth dahil masasarap ang binibenta nilang desserts.

Ang haba nga ng pila. Kung hindi lang dahil gusto ni Cash nito'y 'di naman ako magtiya-tiyagang pumila.

"Isang mango shake tsaka banana shake ang akin," ani Pyrus. Mabuti nga't sumama 'to sa akin kundi'y nabagot na ako sa pagpila. Nagpabili din kasi si Tiara.

"Nililigawan mo ba si Tiara?" tanong ko habang pinagmamasdang gawin ang waffle ni Cash. 'Di naman kasi nagkikwento si Pyrus pero halata naman sa kilos nila.

Parang kailan lang ay palagi silang nagbabangayan. Pero ngayon, sobrang dikit nila sa isa't isa.

"Parang ganoon na nga..." he smirked.

"Mabuti naman at naka-move on ka na sa pinsan ko. Tanggap mo ng wala kang pag-asa 'no?" biro ko.

Sinipat niya ako. "'Di ko naman type 'yong pinsan mo!"

"Sa'kin ka pa nag-tago," I laughed.

"Eh ikaw? Nililigawan mo si Cash?" he backfired.

"Kailan pa ako nanligaw?" ngisi ko. "Alam mong kapag may babae ako, wala ng ligaw, ligaw. Kami agad."

"Sus. Iba naman si Cash, dude. Tagal mong may lihim na pag-tingin do'n!"

"Baka naman!"

Tumawa siya at ibinalik sa akin ang sinabi ko kanina. "Sa'kin ka pa nag-tago!"

I only laughed.

"Basta kung mag-cheat man si Cash para sa'yo..." Pyrus added. "Suportado ko kayo, bro."

Naiiling na lamang akong hinintay ang order namin. Nang makuha iyon ay nag-bayad na kami't binalikan na ang mga girls na nakatambay sa ilalim ng puno ng acacia.

On our way there, nakasalubong namin si Cleo aka Snow White. She's with her three girl friends. Nang makitang magkakasalubong kami'y, parang uod na nangisay ang mga kaibigan niya.

She remained at ease, though. Nginitian niya lamang ako kaya ganoon din ang ginawa ko.

"Everyone was talking about you and Cleo, dude," halakhak ni Pyrus nang malagpasan namin ang grupo nila Snow White. Ibinigay ko kay Cash ang kanyang waffle bago kinain ang ice cream ko.

"Well, bagay naman sila," ani Marga na kumakain ng cookies. Kirk was beside her. Naka-headphones ito't walang pake sa paligid.

"They even made a team name for the two of you," singit ni Tiara. "Cleondon!"

"Wow, that's corny," Cash said in a monotone. Sumulyap ako sa kanya ngunit abala na siya sa pag-kain ng kanyang waffle.

Naging usap-usapan kasi talaga ngayong week ang ginawa kong pag-alalay kay Cleo nang madapa siya sa stage. I don't know why they're making it a big deal. I only helped her. Alangan namang hayaan ko siya doon, 'diba?

I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon