Chapter 29: Huling Sandali

2.9K 111 37
                                    

Kahit sandali, palayain ang pusong 'di mapigil
Sana'y tayong dal'wa
Sa huling pagkakataon
Na hindi na para sa 'tin
{ Huling Sandali | December Avenue }

"Found you."

Inangat ko ang tingin kay London na kakarating lamang. He placed his helmet on top of the table and fixed his usual messy hair. Humahaba nanaman ang buhok nito. Sometimes, he asks me to go with him in a barber shop. Kung hindi nga lang busy ay baka ako na mismo ang nag-aya sa kanya doon. He looks fine though.

"I'm sorry to call you this early," I said apologetically.

"You don't usually ask for a breakfast date. May problema ba sa inyo?" Usisa niya nang makaupo sa tabi ko. I shook my head and showed a sweet smile.

I wanted so bad to tell him now, pero ayaw ko siyang madamay pa. I don't want to tell him in impulse. Marami din itong iniisip at ayoko ding dumagdag pa doon.

My brain was already cursing me for being a hypocrite. Galit ako na hindi nag-sabi sa akin si Volt pero ngayo'y eto ang ginagawa ko.

I'll tell London about it but not today. Kailangan ko din kasing klaruhin muna ang utak ko. Baka hindi ko rin maipaliwanag sa kanya ng maayos lalo na't labo-labo ang aking iniisip. May tamang oras para doon. I won't keep it a secret forever, anyway. I just needed some time to think more...

"I wanna make it up to you for leaving early last night."

"Hindi naman kailangan. Naiintindihan ko naman kung may dapat kang gawin." He shrugged. "Nag-order ka na?"

Tumango ako. "Nag-order na din ako ng para sa'yo."

He sat beside me and immediately draped his arm over my shoulders. Mabilisan itong humalik sa aking pisngi bago nag-kwento ng kanyang plano para sa araw na iyon. I only listened. Dahil sa nangyari sa bahay ay wala rin akong balak mag-salita masyado.

I just want to feel at peace. And with him, I feel peaceful.

"Ikaw? What are your plans for today?" He asked while looking around. Sigurado akong ini-spotan niya na kung parating na ang aming order.

"House lang." Tipid kong sagot.

"Ano gagawin mo sa inyo?" marahan niyang tanong. Pakiramdam ko'y natutunugan niyang wala ako sa mood kaya pinilit kong magpakita ng ngiti. To show him I'm alright and there's nothing he should worry about. Mabilis pa naman ito makaramdam.

"Papahinga lang. Tsaka may mga projects kaming dapat ipasa. Gagawin ko na para hindi ako magahol sa oras."

Tumango ito ngunit kitang-kita ang pagdududa sa kanyang mga mata. He just didn't ask if anything was wrong. Alam kong ramdam niya iyon pero mas pinili niyang manahimik dahil ramdam niya din na hindi pa ako handang mag-sabi. And I love him for that. I love how he respects my space and privacy. Masaya ako na hindi siya namimilit na sabihin ko sa kanya ang lahat agad-agad.

Hindi kagaya ni Volt noon na sa tuwing pinipili kong manahimik tungkol sa mga bagay na dinaramdam ko'y pinipilit pa akong mag-sabi. Worst, he would even get mad at me for not trusting him enough to tell him about what's on my mind. Sa huli, napipilitan akong mag-sabi. Hindi nakakagaan sa pakiramdam ang ganoon.

At least, with London, I have time to keep it all in and think about it myself, without worrying na he'll get mad at me for not sharing. God, I love him.

The next few days became more dreadful and stressing. I couldn't focus on my work because Volt's mother kept on pressuring me about her son. She texts me a lot and I always try to politely turn her down. Nga lang, palala ito ng palala dahil masyado niyang idinidiin sa akin ang anak.

I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon