Chapter 5: Kung Sa'n Ka Masaya

7K 436 195
                                    

Kung san ka masaya, dun ako maligaya. Basta't ika'y kapiling...

{ Kung sa'n ka masaya by Daniel Padilla }

Napaawang ang malambot niyang labi sa aking request. Ngumisi ako't bahagyang tinagilid ang ulo, "Nangangailangan kami ng drummer, ngayong iniwan na kami ni Theo. We're competing soon. We need a new drummer, right away."

Hinaplos ko ang kanyang pisngi niya. "We need you, baby girl."

Agad niyang hinawi ang aking kamay kaya natawa ako. "I know you want this too, Cash. 'Wag mo ng ideny. Don't tell a lie."

Suminghap siya't pinanlisikan ako ng mata. "You know Volt doesn't approve with this!"

"Wala akong pake do'n. Ang mahalaga dito, kung ano ang nilalaman nito," sinubukan kong ituro ang puso niya pero mabilis pa sa speed of light niyang niyakap ang sarili.

"'Wag mo nga kong manyakin," pag-oover react niya.

Weirdo ko siyang tinignan. Akala naman niya pipindutin ko dibdib niya. Bukod sa hindi ganong dibdib ang tipo ko (gusto ko s'yempre, 'yong malulusog), ang agenda ko talaga'y ituro lamang ang puso niya!

"Ang point ko dito, Cash. Sundin mo ang nilalaman ng puso mo. Kung saan ka sasaya, doon ka. Hindi 'yong kung saan sasaya yung jowa mo," paliwanag ko. "'Wag kang mabuhay para sa kanya, mabuhay ka for yourself."

Tumahimik siya saglit. Napailing na lamang ako. Kaawa-awang babae. Sunud-sunuran sa lalaking walang ginawa kundi ang paiyakin siya. Bakit ba ang daming nagpapakatanga sa pag-ibig? 'Di nalang nila enjoyin ang buhay kagaya ng ginagawa namin ni Baby London.

"'Di naman kita pipilitin kung talagang ayaw mo," sabi ko kinalaunan. Para na kasi siyang maluluha sa pag-iisip. Torn between what she wants and what her asshole boyfriend wants.

"Basta tandaan mo, bukas ang pintuan ko palagi para sa'yo," I smiled cockily and ruffled her hair.

She looked at me with those sad but beautiful eyes again. "Pag-iisipan ko..."

Tumango ako. Umaasa akong makakapagdesisyon siya para sa sarlili niya. For once, sana piliin niya yung makakapagpasaya sa kanya. Alam kong kapag pumapalo siya gamit ang drumsticks ay masaya siya. I've seen her happy and often, it's because of music. Mapa-violin, gitara o drums. Basta tumutugtog siya, masaya siya.

Talentadong babae kaya 'to. Kaso, 'yon nga, palpak sa pagpili ng mamahalin. Nandito naman ako, sus.

"'Nga pala, eto oh..." she murmured and gave me the paperbag she's carrying. "Luto ni mama."

"'Yon! May ulam na kami," I laughed and peeked inside the bag. Container iyon na may lamang beef steak. "Pakisabi kay Tita, salamat."

She nodded and fiddled her fingers. Pinagmasdan ko siyang nakayuko't parang may gusto pang sabihin. "Ano..."

"Hmm?" sumandal ako sa gilid ng pintuan. Matagal-tagal na katahimikan ang lumipas bago siya nagsalita.

"Salamat..."

Halos hindi ko na iyon narinig dahil sa sobrang hina ng kanyang pagkakasabi. "Ano 'yon?"

"Salamat, London..." she said, louder this time. Nakayuko pa rin siya kaya naman hinawakan ko ang kanyang baba at dahan-dahang inangat ang kanyang tingin.

Iniwas niya agad ang tingin niya. Natatakot siguro siyang mahulog sa mapang-akit kong mga mata. "Kung talagang nagpapasalamat ka, tignan mo 'ko sa mata. Anong nakakahiya sa pagpapasalamat?"

I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon