Chapter 17: Sugar

5.2K 278 65
                                    

I don't wanna be needing your love, I just wanna be deep in your love

{ Sugar | Maroon 5}

Nagising ako nang may mabigat na pakiramdam. I feel like my head's going to explode or something. Para itong pinipiga. Bukod doon ay daig ko pa ang mga nakipagjugjugan kagabi sa sobrang sakit ng katawan ko. Giniginaw rin ako.

Sinasabi ko na nga ba't magkakasakit ako dahil sa pagpapaulan na 'yan! Hindi ko na dapat siya pinagbigyan.

Huminga ako ng malalim at nanghihinang inabot ang phone ko sa gilid. It was already twelve in the afternoon!

Sinikap kong bumangon sa aking kama ngunit isang pitik sa aking noo ang nagpahiga muli sa akin. "Magpahinga ka lang diyan."

"Cash?" napakurap ako. "Anong ginagawa mo dito?"

"To take care of you, of course," sagot niya saka inilapag ang isang tray sa side table. "Halos kararating ko lang din. Pumasok ako dito sa kwarto mo kanina. Ang taas ng lagnat mo."

"Ikaw? Hindi ba masama ang pakiramdam mo?" tanong ko.

"Hindi naman," sagot niya. "Bumili ako ng lugaw. Kumain ka muna bago uminom ng gamot at matulog ulit."

Dahil masama talaga ang pakiramdam ko'y sinunod ko na lamang ang gusto niya. Dahan-dahan kong kinain ang lugaw ngunit hindi ko rin iyon naubos dahil wala akong gana.

Nang mainom ang gamot ay pinikit ko rin ang mata ko para matulog. Mabilis naman akong nahimbing dahil sa pagod.

Nang magising akong muli ay dahil sa pawis na naramdaman. Kahit nakapikit ay umangat ako para tanggalin ang aking suot na T-shirt. Nagmulat lamang ako ng mata nang maramdaman ang presensya ni Cash sa gilid ko.

Her warm smile made me smile too. Tinulungan niya akong magtanggal ng pang-itaas. Pinunasan niya rin ang pawis ko sa likod. "I'll get you a new shirt."

Tumango ako. "Salamat..."

Bumalik din siya agad dala ang isang puting t-shirt. She helped me wear it too, tapos ay inalalayan sa pag-higa.

Ang sarap lang sa pakiramdam na inaalagaan niya ako.

"Kumain ka na ba?" I asked in a hoarse tone. Tumango siya saka dinama ang aking noo gamit ang kanyang palad. "Mainit ka pa din. Gigisingin kita para uminom ng gamot mamaya. Anong gusto mong kainin?"

"Ikaw..."

Umirap siya. "You horny dog."

"I mean, ikaw ang bahala..." ngisi ko.

"Whatever," singhap niya. "Matulog ka na muna diyan. I'll go out to buy fruits. Babalikan kita."

Hindi na ako nag-salita at pumikit ng muli. I can't help but think of what she told me last night.

"Am I starting to fall for you? O nararamdaman ko lang 'to dahil wala siya at ikaw ang nandyan?"

That stings...

Pinaghalong tuwa, lungkot at sakit ang naramdaman ko. Tuwa dahil she may really be falling for me. Lungkot at sakit dahil mas malaki ang posibilidad na nararamdaman niya lang iyon dahil wala si Volt.

Pero kung dumating man ang panahon na talagang nahulog siya sa akin, hinding-hindi ko siya pakakawalan. I'll give her anything her other man wasn't able to provide. Gagawin ko siyang prinsesa...no...reyna ng buhay ko, kung ganoon.

I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon