Chapter 27: Kita Kita

3K 115 27
                                    

Una kitang nasilayan, di kita nakita, lumampas ang tingin
Kung nagsasalita lang ang hangin, 'di nag dal'wang isip
Agad ka sanang napansin

Kita na kita
Pasensya ngayon lamang

{ Kita Kita by Moira & Jason}

Volt, as a boyfriend, is sweet but is also very, very strict. Kung bilang SC president ay istrikto siya, mas matindi siya pagdating sa akin. Mula sa pananamit ko, sa gupit ng buhok, ultimo paglalagay ng nail polish ay may masasabi siya. He likes everything simple. He likes to keep it his way.

In every thing I do, he has the final say. Ang gusto niya ang laging tama. Ang gusto niya ang laging nasusunod.

And I realized how toxic his controlling trait is. Noong una, ayos lang sa akin. Dahil boyfriend ko siya, he has the right to say his opinion on everything I do. Mahalaga sa akin ang kanyang mga sinasabi. And even when I don't want to give him what he wants sometimes, sa huli mas nananaig ang pagmamahal ko at susundin na lamang siya para hindi na mag-away. Naniniwala akong kung ano ang gusto niya'y iyon ang mas nakabubuti sa akin.

I love him and I wanted to do what makes him more comfortable. If that's what makes him happy, I'd gladly do it. Kahit pa hindi ako masaya doon, basta masaya siya, okay na din ako.

That's how I love. Bigay lang ng bigay. Walang natitira sa sarili. Huli na nang marealize kong mali iyon.

"Why do you want to cut your hair short?" he asked in a monotone while we're doing a videocall. It has been months since he left and every day, I miss him.

Iyon nga lang, sa bawat araw na dumadaan, parang lumalayo rin ako sa kanya. Unti-unti, narerealize ko kung paano ako naging tanga.

That I was at fault too for tolerating his controlling attitude. That it was my fault that I gave him the right to dictate my life.

Volt was very handsome. He's the prince charming of everyone. Siya 'yong tipong 'pag nakasabay mo sa  jeep, mapapansin mo agad. He has this charismatic aura even when he's snob most of the time. His eyes were black, jaw was well-defined and he's very mestizo.

Ayon nga lang ay talagang moody ito. Sanay na ako doon. Na kung minsan, sa akin niya nabubunton ang galit niya. Sumobra nga lang nung bago siya umalis ng bansa. Biglaan iyon. Hindi ko inaasahan. He did not even prepare me for a long distance relationship. Bigla nalang, aalis na siya. Na parang hindi manlang ako naging kasama sa plano o 'di manlang ako sumagi sa kanyang utak habang nagdedesisyong umalis.

It was really upsetting. He did not even care about what I would feel. Pero siguro nga kailangan lang. Siguro nga, may rason. Ni hindi ko alam kung bakit pero naniniwala ako na may rason kung bakit ganoon.

Inintindi ko nalang kasi paano tatagal ang relasyon namin kung hindi ko siya uunawin? Kung magagalit ako sa kanya, magagalit lang din siya sa akin. Kung walang uunawa, masisira lamang ang relasyong pilit kong inaalagaan.

For years, I remained silent. Kahit mahirap sa aking hindi sabihin ang mga hinanakit na nararamdaman, natuto akong magtago.

Ngayon lang. Ngayon lang ako naging matapang para sabihin ang mga gusto ko. Para suwayin ang utos niya.

Dahil anong klase nga bang pagmamahal ang mayroon siya para sa akin kung patuloy niya akong tatanggalan ng pakpak na kailangan ko para lumipad patungo sa magpapasaya sa aking sarili?

His opinion matters. Always. But that doesn't give him the right to decide for me. Ako pa rin ang magdedesisyon. Ako pa rin ang may kontrol sa buhay ko.

I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon