1

8.6K 256 7
                                    

Chapter 1:

"Jamilah!! Sige na please! Sumama ka na" Pangungulit sa akin ni Bea at nag-pout pa.

"Huwag ka ngang maingay. Andito tayo sa library. Gusto mo bang mapagalitan tayo?" Mahinang suway ko sa kanya.

Ang ingay kasi eh pinagtitinginan na kami ng iba dito. Baka mamaya nasa harap na namin yung librarian at umuusok na ang ilong sa galit. Masungit pa naman iyon.

"Sige na!! Magsho-shopping lang naman tayo eh!" Nakanguso niyang sabi.

"Ayoko mag-aaral pa ako" sagot ko habang nakatingin sa libro.

"Ayan ka nanaman eh puro ka aral, aral, aral.  Uso rin mag-enjoy! Kaya sige na" pagpupumilit pa niya

"No" mariin kong sagot at hindi pa rin inaalis ang tingin sa binabasa kong libro.

"Jamilah naman eh!" Reklamo niya.

Napabuntong hininga na lang ako, makulit eh.

"Ganito na lang pagkatapos ng exam next next week. Ayos ba?" at saka ko siya tinignan ng seryoso.

"Okay!" Masiglang sagot niya sagot niya.

"1 hour lang"

"Jamilah naman! Paano tayo makakapag-shopping sa isang oras!?" Nakasimangot niyang sabi.

Napailing na lang ako sa inasta niya.

Biglang nagring ang bell na hudyat ay 5 minutes na lang ay simula na ng afternoon class.

Agad naman namin inayos ang gamit namin at nagmadaling pumunta sa classroom.

Hay sa wakas klase na!

Hindi pa pala ako nagpapakilala.Ako nga pala si Jamilah Dela Cruz. 4th year highschool highschool student. Simple lang ako babae na mahilig mag- aral. Nerd nga ang tawag sa akin.

Pumasok na kami at nadatnan namin na sobrang gulo ng classroom.

"Hay nako ang napaka ingay na naman nila tsk!" Bulong sa akin ni Bea.

Bea Ramirez. Siya ang kaisa-isang kaibigan ko. Siya lang naman kasi ang gustong makipag-kaibigan sa akin. Wala gustong makipag kaibigan sa akin dahil nga nerd daw ako.

Tuluyan na nga akong pumasok at nakita ko si Janine na nakatingin sa akin at tumatawa kasama pa ang mga alipores niya.

"Look at that nerd! She is so panget" maarteng sabi niya at mapagkutyang tinignan ako.

"Pigilan mo ako. Makakalbo ko yan" nang-gigigil na sabi ni Bea.

"Chill ka lang" sagot ko at ngumiti.

Sanay na akong binubully dahil simula ng pagtapak ko sa school na ito ay iyon ang unang bumungad sa akin.

 Napayuko na lang ako at inayos ang salamin ko.

Habang papunta ako sa upuan ko ay may bumabato sa akin ng mga papel.

Hinayaan ko na lang sila at nakayukong umupo. Ayoko silang labanan dahil natatakot ako.

Natatakot ako na kapag kinalaban ko sila maaring mas malala pa ang gawin nila kesa sa mga ginagawa nila ngayon. Kaya mas mabuting huwag na lang akong pumatol pa.

Nagpatuloy lang sila sa pangbabato.

Hindi ko namamalayan may tumutulo na palang luha sa mga mata ko.

Napahiling na lang ako...

Sana tumigil na sila.

"Kyaaaah!! Omo!! Andyan na si Kyle!!!"
"Waaaaaah!!! Mark my Babe!!!"
"Kyaaah!! Ang gwapo mo talaga Mark!!"
"Hi Kyle!!"
"Nathan! Please be mine!"
"Ace I love you!"

Yan ang mga sigawan sa labas.

Ayan na naman ang mga kagrupo ni Mark. Sila ang dahilan kung bakit maingay minsan sa labas ng classroom namin dahil sa mga fangirls nila.

Mark Jaycee Samonte

Sabi nila siya daw ang pinakabad boy sa grupo nila.
Siya rin ang pinakatitilian ng mga babae dito sa campus.

Hay. Kung makikita mo nga talaga siya para siyang artista.

Tumigil na rin ang iba sa pangbabato sa akin dahil na rin siguro sa pagdating nila Mark.

Pinunasan ko na ang mga luha ko saka nagbuklat ng libro. May tumabi sa akin pero di ko na pinansin.

Dumating na rin ang teacher namin kaya tumahimik na sila. Nagsimula na ring magdiscuss si Ma'am.

Nakikinig lang ako sa discussion at may biglang bumato nanaman sa ulo ko.

Aish!

Tinignan ko kung sino yun. Grupo pala nila Mark.

I gave them a death glare pero ngisi lang ang binalik sa akin. Nakinig na lang ulit ako kay Ma'am dahil kung patuloy ko pa yun papansinin ay madi-distract lang ako at hindi ko maiintindihan ang lesson.

Napatingin naman ako sa katabi ko.
Kaya pala masama ang tingin ng ibang girls sa akin katabi ko pala ngayon si Kyle

Mabilis lumipas ang oras at uwian na.

Hay! Makakaalis na rin ako sa mala-impyernong classroom na ito.

"Bye Jam! See you!" Paalam ni Bea.

"Di ba sabi ko wag mo akong tatawaging Jam?" Naiinis kong sagot sa kaniya.

"Sorry!Sige na Jamilah! Ingat!" At tuluyan na siyang umalis.

Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa kawalan

Buti na lang ay dumating na rin ang driver ko at umuwi na rin ako.

*****
A/n: Mark on the top ^__^

Please vote and comment thanks!

The Nerdy Girl LoveStory (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon