18

3.1K 105 0
                                    


* Chapter 18:
JAMILAH POV:

Tahimik lang akong nagbabasa dito sa library.
Haist! Kahit anong gawin ko hindi ako makapagfocus dahil sa sinabi ni Mark.
Hay! Paano ba ito!?

*Kyle POV:
Nakatago ako ngayon sa mga shelf dito sa library. Tinitignan ko lang si Jamilah.
Mukhang may gumugulo sa isip niya. Siguro dahil sa sinabi ni Mark.
Tss. Napaniwala nanaman niya si Jamilah.
Hay bakit ba kasi hindi ko masabi sa kanya!?
Siguro natatakot lang ako na malaman niya na kasali ako sa dare at malamang iiwasan niya ako.
Narinig ko lahat ng sinabi ni Mark.
Lagi ko silang binabantayan pero parang walang silbi ang ginagawa ko.
Ano pa bang pwedeng gawin ko!?

*Third Person POV:
Hay mabuti na lang at nakabalik na ako dito sa Pilipinas.
Excited na akong makita si Mark at syempre si Kyle.
Anyway I'm Nicole Andrea De Leon.

Dahil sa pagmamadali ko may nabunggo ako at napa-upo ako sa sahig.

"Huy Miss. Bulag ka ba!? Hindi ka kasi tumitingin sa dinaraanan mo! Natapunan pa tuloy ako ng juice!" Sigaw nung lalaki.

I rolled my eyes.
Psh.

"Tss. Paharang harang ka kasi dyan kasalan mo yan!" Sagot ko at tumayo na.

Paalis na sana ako ng pigilan niya ako.

"Magsorry ka miss kababae mong tao ganyan ka!" Maangas na sabi niya.

"Bat ako magso-sorry? Paharang harang ka sa dinadaanan ko. At tsaka tanga lang? Kung nakita mo na sana na mabubunggo kita eh di nakaiwas ka sana. At di ka pa natupunan ng juice" sigaw ko.
At inis ko siyang tinapunan ng masamang tingin.

"Tss. Pasalamat ka babae ka!"

"Aww bakit sasaktan mo ako? Go! Tuloy mo lang. Sino kaya sa atin mapapahiya?"  Nakangising sagot ko.

Nakita ko namang naiinis na siya.

Tss. Halatang pikon na siya.

The Nerdy Girl LoveStory (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon