29

3.2K 101 4
                                    

Chapter 29: 
Jamilah POV:  

Days and week passed.

Katatapos lang ng exam namin at sa susunod na linggo na ang christmas party. 

Katatapos lang ang klase at dumiretso ako sa garden para sana magrefresh ng utak.

Naabutan ko dun si Kyle kaya masaya akong naupo sa tabi niya.

Nagulat naman siya. 

"Hi!!" Masaya kong bati. 

"Sige Jamilah Alis na ako ha. " sabi niya at tatayo na sana siya.

  "Iiwasan mo na naman ba ako?" Malungkot kung tanong. 

"Ah ano busy lang" cold na sagot niya. 

"Talaga bang busy ka lang? Bakit mo ba ako iniiwasan? May problema ka ba? Tayo?" Naluluha kong tanong. 

Nasasaktan ako na iiwasan niya na naman ako. 

"Wala. Sige alis na ako" 

"Aalis ka na naman!? Ok naman tayo di ba? Ano bang problema? Bestfriend mo ako pero hindi mo masabi ang problema mo! Parang wala na nga akong kwentang bestfriend eh! Hindi ko na alam ang nangyayari sayo!" 

Hindi ko na napigilang sumigaw.

"Yun na nga eh! Hanggang mag-bestfriend na lang tayo at kahit kailan hindi na magiging tayo!" 

Nagulat naman ako sa sagot niya. 

M-Mahal niya ako? Pero bakit parang ang saya ko?

"Hindi ko alam kung sadyang manhid ka lang at hindi mo maramdaman! Dati ko na pinaparating sayo na gusto kita, na mahal kita pero hindi mo yun mapansin kasi nga puro ka Mark! Mahal na mahal kita pero ang sakit makita na masaya ka na sa iba! Hindi ko na nga alam ang gagawin ko eh" 

Hindi ako makapagsalita. 

"Sabihin mo nga Jamilah! Paano mo ako matutulungan sa problema ko? Bakit, mahal mo rin ba ako?" Tanong niya na nakatitig sa akin.

"Hindi ko alam.." Biglang sagot ko.

Dati ko na tong pinag-iisipan. Alam kong hindi na normal ang nararamdaman ko kay Kyle.

Alam kong matagal na to.
Mahal ko na siya Oo pero si Mark... Alam kong may nakakalamang sa kanila pero hindi ko alam kung sino! 

"Hindi ko alam.." Pag-uulit ko habang tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. 

Ang hirap ng ganito.

Hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko.

Natatakot ako na baka sa huli magsisi lang ako. 

"Mahal mo rin ba ako Jamilah?"   "Hindi ko alam!!" At nag-iwas ako ng tingin. 

Agad naman niya akong niyakap na ikinagulat ko.

"Alam kong naguguluhan ka pa pero sana malaman mo na kung sino ang pipiliin mo." Sabi niya habang yakap niya ako.

Biglang tumunog ang messenger ko kaya napatingin ako.

May nagmessage pala sa akin pero hindi ko alam kung sino ito.

Ito ang nakasabi:   Gusto mo bang malaman ang totoo jamilah?  Just click this voice message.

Anong totoo? Tumingin muna ako kay Kyle. 

Bat parang ang sama ng pakiramdam ko dito sa message na to. Kinakabahan ako.

Pinakinggan ko naman ito.

'Ito ang dare namin sayo Mark. Alam mo ba yung nerd na kaklase natin? Gawin mo yung GF in 3 months.'  'Tsk easy. Game!'  'Ok pusta ako! 500! Hindi magagawa yan ni Mark'  'May tiwala ako kay Mark. 500!' 

Halos manghina ako sa narinig ko. Lahat ng to ay bet?

Pati si Kyle na pinagkatiwalaan ko. 

"Jamilah..."   Tumingin ako sa kanya ng galit na galit. 

"Pustahan rin ba to Kyle!? Ano!? Nanalo na ba kayo? Kyle! Pinagkatiwalaan kita! Paano mo magagawa sa akin to. " umiiyak na sabi ko.

"I will explain---" 

"Explain!? Huwag ka ng mag-explain! Sapat na tong voice message para malaman ko ang totoo! Akala ko iba ka. Akala ko mapagkakatiwalaan ka. Maling akala lang pala. Pinaglaruan niyo tong damdamin ko! Ano bang ginawa kong mali ha. Ang sakit eh. Ang sakit."  

"Please Jamilah I will explain."

Akmang lalapit siya sa akin pero pinigilan ko. 

"Tama na Kyle. Tama na ang laro! Ayoko na! Please ayoko ng makita ka. Masyadong masakit eh!"   At tumakbo na ako paalis doon. 

"Mahal!"   Napalingon naman ako doon. 

"Oh bakit ka umiiyak. Anong nangyari?" 

Sinampal ko siya.  "Ano Mark masaya ka na nanalo ka? Masaya ka na ba kasi napag-laruan mo ako?" 

"Jamilah---" 

"Ayoko na Mark! Break na tayo!" Sagot ko at tuluyang umalis doon.  Ang sakit lang. 

The Nerdy Girl LoveStory (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon