Chapter 3:
*Jamilah POV*Nakarating na kami sa bahay ni Samantha at bumungad sa amin ang malakas na tugtugan.
Agad na lumapit sa amin si Samantha.
"Hi Bea! Buti nakadalo ka. Sino naman tong kasama mo?"
"Si Jam--"
"Jam"sabi ko at inabot ang kamay ko.
"Hi Jam. Nice meeting you" sagot niya at nagshake hands kami.
Pumunta na lang kami sa pool side at kumain.
Mabuti na lang unti lang yung mga kaklase kong nasa labas.
Maraming tao rin kasi sa loob.
Nagtagal lang kami dun at ng mag- 9 pm na ay umuwi na rin kami.
Napahiga agad ako sa kama ko sa sobrang antok ko ay di na ako nakapagpalit at natulog na lang.
***
Dumaan na ang isang araw at matapos yun ay balik klase na naman.Andito ako ngayon sa classroom, nagbabasa ako ng mga lesson bukas.
Nagsidatingan naman ang mga kaklase ko dahil tapos na ang break time."Jamilah!"
Napalingon naman ako dun.
Kumindat sa akin si Mark tsaka ngumisi.
Tss.
Akala niya siguro maglulupasay na ako sa kilig.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at nagfocus na ulit ako sa binabasa ko.
"Jamilah!!"
May tumawag nanaman sa akin!
Kailan ba nila ako titigilan?
Tumingin naman ako at si Kyle pala.
Ngumiti lang siya sa akin kaya iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya.
Nagklase na kami at laging nangungulit si Kyle. Di ko na lang pinapansin para maintindihan ko yung mga tinuturo ni Sir.
Pagkatapos ng ilang oras uwian na.
Saturday pala bukas.
"Bye Jamilah!!" Sabi ni Kyle habang inaayos ko yung gamit ko.
Hindi ko na lang siya pinansin tsk.*Saturday*
Andito ako ngayon sa Mall. Bibili ako ng contact lense at kasama ko ang ate ko.
Mukhang tao naman ako ngayon kasi inayusan ako ng ate ko. Mukhang tindera daw kasi ako. Hay!
"Bibili lang ako ng dress. Ano pa bang bibilhin mo?" Tanong ni ate.
"Dadaan pa ako sa National Bookstore" sagot ko.
"Ah sige kita na lang tayo sa parking lot"
Tumango na lang ako saka pumunta sa National Bookstore.
Bibili ako ng mga libro at favorite ko ang teenfiction na genre kaya marami rin akong napipili.
Habang nagtitingin ako ng libro may tumabi sa akin na lalaki.Napatingin naman ako sa kanya.
Oh My!! Si Kyle! Sana di niya ako makilala.
"Hi Miss" at ngumiti siya.
Totoo nga gwapo siya.
Nag-aalanganin pa akong ngumiti.
"Wait, you look familiar. Parang kamukha mo yung nerd na kaklase ko"
Parang nafreeze naman ako sa kinatatayuan ko.
Nagpanic ako at hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Mag- isip ka Jamilah! Matalino ka di ba!?
"What?" Mataray kong tanong sa kanya. Hindi naman siguro niya ako mahahalata kung tatarayan ko siya.
"Ah eh sorry Miss. Hahaha Para kasing may hawig kayo nun. Hindi naman kasi siya nagsusuot ng ganyan eh tsaka di naman siya kasing ganda mo" at kumindat pa.
Ngumiti na lang ako.Mala-galawang micro rin pala tong si Kyle ah.
"Sige Miss I have to go" at umalis na siya.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Buti na lang pala inayusan ako. Ayoko kasing nakikita ako ng mga kaklase ko saang mang lugar kasi sigurado akong aasarin nila ako.
Muntikan na ako dun ah.
Panget naman kasi talaga ako eh.
Binayaran ko na lang yung mga binili ko at nagpagpasyahan na pumunta na sa parking lot.
Nadatnan ko naman si Ate Janella na naghihintay sa labas ng sasakyan."Oh. Tara na?" Tanong ni ate.
"Opo" sagot ko
Pumasok na kami sa loob at nagsimulang magbyahe.
*****
Pagkarating namin sa bahay ay nadatnan namin si Mommy na nasa sala."Hi Mom, kailan ka dumating?" Tanong ni ate at hinalikan si mommy sa cheeks.
"Kanina lang" sagot ni mom at lumapit na rin ako sa kanya.
"Hi Mom" bati ko at kiniss siya sa cheeks.
"Kamusta ka naman sweetie?" Malambing na tanong niya sa akin.
"Ganun pa rin. Hindi nagbabago" sagot ko at pilit na ngumiti.
"Anak huwag rin puro aral ang ginagawa mo, makisocialize ka" sabi niya na may pag-aalala sa mukha.
"Ayos na po ako sa isang kaibigan lang" sagot ko.
Nagkatinginan naman sila Mama at Ate Janella.
"Uhm sige po, mag-aadvance reading lang po ako" pag-papaalam ko at na nakita kong ikina-iling ni Mama.
"Sige anak" sagot niya at tuluyan na akong umalis dun. Dumiretso na lang ako sa kwarto ko at nagkulong magdamag.
Nilabas ko ang laptop ko at naisipan kong magfacebook.
Puro panglalait lang nakikita ko kaya nag-log out kaagad ako.
Napatingin ako sa phone ko. Sinend pala ni Bea yung picture ko nun.
Ano kaya kung gumawa ako ng panibagong account? At iibahin ko ang pangalan ko.
Hmmm. Tama para walang makaalam
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl LoveStory (Completed)
Teen FictionPaano ba mainlove ang nerd? Paano kaya kung mainlove ito at magulo ang buhay niya? Magkakaroon kaya siya ng happy ending? ThisCraaazyGirl