5

4.1K 141 3
                                    

Chapter 5:
*Jamilah POV*

Andito ako ngayon sa garden. Wala tao dito kaya magandang magbasa dito.

"Look Andito pala itong nerd na to"

Napalingon naman ako.
Sila Janine.

"Girls. You know what to do" maarteng sabi  niya sa mga alipores niya.

Lumapit naman sa akin yung mga alipores niya at pinagsasabunutan ako.

"Teka ano bang ginawa ko sa inyo?" Naiiyak na tanong ko. Ang sakit ng ulo ko parang mauubusan ako ng buhok.

"Wow. Tatanga- tanga ka pa. Ang kapal rin ng mukha mo para lapitan ang boyfriend ko!" Sagot ni Janine.

" Huh? Wala akong ginagawang masama" .

"Tss. Alam mo kinakalbo ko ang mga lumalapit kay Mark. Kung ayaw mong mas malala pa ang gawin ko dyan. Back off bitch! Lets go girls."At umalis na sila.

Naiwan naman ako mag-isa dito na umiiyak.

Araw-araw na lang bang ganito?

*Kyle POV*

Dumaan ako sa garden at saktong nakita ko si Jamilah.

Lumapit ako sa kanya at naririnig ko siyang humihikbi.

Inabot ko naman yung panyo ko.

Tinignan niya lang ako saka umiyak ulit.

"Kunin mo na" pagpupumilit ko.

Kinuha niya nga at dun na umiyak.

Tsk. Binully nanaman ito.

"Tahan na. Sino ba yung mga nangbully sayo?" Tanong ko.

"W-wala. Bakit ka nga pala nandito?" Natanong niya.

"Napadaan lang" tipid kong sagot.

"Ah sige una na ako. Lalabhan ko na lang itong panyo mo tapos ibabalik ko bukas" sabi niya at tumayo.

"Teka" at hinawakan ko ang kamay niya.

Bigla naman siyang bumitaw.

"Bakit? Pagtritripan mo rin ba ako hah?" Umiiyak na tanong niya.

Natahimik ako.

"Pwede ba lumayo-layo kayo sa akin! Nadadamay ako sa inyo eh!" Sagot niya saka nagmadaling umalis.

Haist! Kung alam ko lang magiging ganito ang lahat di na sana ako sumali.

Gusto ko lang naman makipag kaibigan kay Jamilah.

Mabait siya, matalino, maganda rin. Oo maganda siya kahit lusyang siya. Nakita ko na ang totoong ganda niya.

*Flashback*

"Tsk nasaan na naman kaya sila Mark?" Naiinis na bulong ko sa sarili ko.

Iniwan na naman kasi nila ako sa cafeteria at hindi ko alam kung saan na naman sila nagpunta.

Pumunta na lang ako sa garden at nagbakasakaling nandoon sila.

Imbis na si Mark ang nadatnan ko ay si Jamilah pala. Nagbabasa lang siya ng libro at parang nag-eenjoy pa dahil pangiti ngiti siya.

Ngayon ko lang napansin na maganda rin pala siya. Maayos na nakalugay ang buhok niya sumabay pa na ngumingiti siya.

*end of flashback*

Kaya simula noon narealize ko na hindi dapat pinagtritripan si Jamilah.

Ewan ko ba pero may nagtutulak sa akin na makipag-kaibigan sa kanya.

Haist! Kailangan kong pigilan si Mark. Masasaktan lang si Jamilah.

Teka nga, kailan pa ako naging concern kay Jamilah?

Napailing na lang ako at umalis.

*Jamilah POV*

Tsk! Bat ba kasi kailangan nila akong pagtripan!?

Wala naman ako ginagawang masama ah!

Porket mahina lang ako kaya na nilang gawin yun?

At tsaka naiinis na ako kina Kyle. Nakakainis sila!Nadadamay pa ako sa mga kalokohan nila.

Pumasok na lang ako sa classroom habang nakasimangot.

"Oh Jamilah. Saan ka galing? Hinahanap kita kanina pa. Teka, Bat ganyan itsura mo? Nabully ka na naman ba?" Nag aalalang tanong ni Bea.

Tumango na lang ako at tahimik na pumunta sa upuan ko.

"Hi Jamilah"

Tumingin naman ako dun.

Tss. Si Mark.

Nagsmile siya sa akin.

Sinamaan ko na lang ng tingin ayokong madamay dahil sa kanila.

Napabuntong hininga na lang ako sa mga nangyayari ngayon.

The Nerdy Girl LoveStory (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon