21

3.4K 112 3
                                    

Chapter 21:

Jamilah POV:
Nagulat ako nung kilala pala ni Kyle yung babaeng kayakap ni Mark kanina.
Pinsan pala siya ni Mark.
Nakahinga naman ako ng maluwag.
Maganda rin siya.
Tahimik lang akong kumakain habang sila nagkwekwentuhan.

Bale ganito ang seating arrangement namin.

Ako-Mark
--table--
Nicole-- Kyle.

"Hey Jamilah. Alam mo bagay kayo ni Mark. I heard kanina sa mga barkada niya na gusto ka daw niya. Nililigawan ka na ba niya?" Tanong niya.

Bigla namang nabilaukan si Kyle kaya agad sana akong lalapit sa kanya pero nauna si Nicole.

Parang meron naman sa part ko na nalungkot.

"Are you ok?" Tanong ni Nicole kay Kyle ng makainom siya ng tubig.

"Oo ok na hahaha" sagot ni Kyle.

"Back to topic tayo. Nililigawan ka na ba niya Jamilah?"

Namula naman ako sa tanong niya at nag-alinlangan akong tumingin kay Mark.

"Ah.. Hindi" sagot ko.

"Oh I see. Hey Mark! Ligawan mo na kaya! Baka may makakuha pa sa kanya" sabi ni Nicole kay Mark.

"Kahit di mo sabihin gagawin ko yan" nakangiting sagot ni Mark at tumingin sa akin.

Napayuko na lang ako.

Kumain ulit kami.

"Alam mo Jamilah kanina pa kita pinagmamasdan. Siguro ang ganda mo pag naayusan noh?" Sabi ulit ni Nicole.

Ngumiti naman ako ng pilit.

"Oh! Alam ko na! Excuse us boys. We need to go to the restroom" sabi niya at hinila na ako papunta sa CR.

"Wait Jam. Steady ka lang diyan. Aayusan lang kita ok?"

(Playing: Dyosa by Yumi. Kantahin niyo habang nagbabasa nito. 😂😂)

Sinunod ko naman ang sinabi niya.
Sinuklay niya ang buhok ko tapoa ginawa niyang french braid.

"Ayan! Perfect! Hmm.. Parang may kulang"

Tinanggal niya ang eyeglasses ko at nilagyan ng face powder tapos lip gloss.

"Perfect! Mag-contact lense ka na lang ha?"

Tumango naman ako at naglagay ng contact lense.

Pagkatapos ay humarap ako sa salamin.

A-ako ba to?

"Wow Jamilah!! Your so pretty!! You look like a Goddes! I'm so proud of you!!" At niyakap ako ni Nicole.

"Talaga bang ako to?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Oo naman! Tignan mo pati ikaw nagandahan sa sarili mo! I wonder naglalaway na si Mark kapag nakita ka" proud na sagot niya.

"Thank you Nicole" masaya kong sabi.

"Naku wala yun!! Tsaka nung una palabg kita nakita ang gaan ng loob ko sayo. Pwede bang maging magbestfriend na lang tayo? Please?" At nagpuppy face siya.

"Hahaha sige ba" sagot ko at ngumiti.

"From now on Sis na ang tawagan natin ok?"

"Ok!" Sagot ko.

"Waaaah!! You are so pretty talaga!!" Sabi niya.

"Maganda ka rin naman" sagot ko.

"I know hahaha. Tara na lumabas na tayo" aya niya.

"Sige"

Paglabas namin ay ang dami na namang nagbubulungan.

"Wow ang ganda naman nila. Transferee ba sila?"

"Oo ata. Ang gaganda nila"

"Parang familiar yung isa lalo na sa pananamit."

"Oo nga. Yan ba yung nerd?"

"Talaga? Ang bongga naman ng transformation niya"

"Ang ganda niya pala pagna-ayusan"

"Pare chicks oh"

"Akin na yan dre"

"Lapitan natin pag-uwian."

Yan ang mga naririnig kong bulong nila.
Bulong pa ba yun?

Napayuko na lang ako.
Nahihiya kasi ako.

"Hey huwag kang yumuko. Di nila makikita ang kagandahan mo. Cheer up" bulong ni Nicole.
Ngumiti na lang ako.

"Next time mag-shopping tayo hah?" Excited na sabi niya.

"Oo naman" sagot ko.

Nakabalik na kami sa table namin.

"Hi boys! Tignan niyo si Jamilah Ang ganda niya na di ba? Ako nag-ayos niyan" proud na sabi ni Nicole.

Napatingin sila sa akin at napanganga.

"Jamilah.. Ikaw ba yan?" Gulat na tanong nila.

Ngumiti ako at tumango.

"Oo! Tulo na mga laway niyo! See Jamilah nagandahan sila sayo" masayang sabi ni Nicole.

"I-ikaw si Jam Fernandez?" Gulat na tanong ni Mark.

Tumango naman ako.

"Oo nga pala Magsha-shopping kami. Sama kayo?" Tanong ni Nicole.

"Ako sasama ako!" Mabilis na sagot ni Kyle.
"Sorry gustuhin ko man may pupuntahan kami nila Mom" sagot ni Mark.

"Ok! Mabuti na lang sasama ka Kyle para may tagabitbit kami ni Sis" sabi ni Nicole.

Nakayuko naman akong bumalik sa upuan ko.

"Ang ganda mo talaga" bulong sa akin ni Mark.

Feeling ko ang pula na ng mukha ko.

Ngumiti na lang ako ng nahihiya.

The Nerdy Girl LoveStory (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon