Chapter 27:
Jamilah POV:
Nagising ako sa isang madilim na kwarto.
Bigla naman akong nakaramdam ng takot at kaba.
"Hello? May tao ba dito?" Sigaw ko. Teka, si Kyle.
"Ky------" Biglang nagbukas ang ilaw.
"Happy Birthday!!!!"
Napatingin naman ako sa mga sumigaw.
Sila Mark, Nicole, Bea at mga kabarkada ni Mark.
Anong meron?
Tinignan ko naman ang buong paligid.
May mga balloons at may nakasulat pa sa blackboard ng: 'HAPPY BIRTHDAY JAMILAH!'
Oo nga pala. Birthday ko pala?
Halos di ko na maalala.
Speechless pa rin ako hanggang ngayon!"Grabe Sis! Ang tagal mong magising!"
"A-alam niyo?" Tanong ko.
Ngumiti naman sila.
"Syempre naman best! " sagot ni Bea.
"A-akala ko na talaga nakidnapp na ako"
"Hahaha! Sisihin mo si Mark! Siya ang may pakana ng lahat nito" sagot ni Nathan.
"Si Mark?" At napatingin ako sa kanya.
"Hehehe sorry na. Gusto lang kitang masorpresa"
"Salamat sa inyo. Akala ko makakalimutan niyo. " naluluha kong sabi.
"Awww. Group hug nga diyan!" Sabi ni Ace at niyakap si Nicole. Hinampas tuloy siya.
"Group hug hindi ako lang!" Bulyaw nito.
Natawa na lang kami sa ginawa ni Ace at nag-group hug.
"Jamilah.. May sasabihin ako sayo.." Biglang sabi ni Mark.
Tumili naman si Nicole pero sinaway siya ni Bea.
"Ano yun Mark?"
Bigla naman siyang lumuhod dahilan para magulat ako.
"A-ano bang g-ginagawa m-mo?" Nauutal kong tanong ko.
"Alam mo namang mahal na mahal kita di ba Jam? Will you be my girlfriend?"
Napatulala naman ako sa tanong niya.
Kyle........ Biglang sumagi sa isip ko si Kyle at napatingin ako sa may pinto.
Nakita ko siyang nakatayo doon at nginitian niya lang ako saka umalis kaagad.
Bakit ganito? Bakit parang nalulungkot ako? Bakit gusto ko siyang sundan? Di ba matagal ko na tong gustong mangyari? Ano na bang nangyayari sa akin?
Tinignan ko naman si Mark na kanina pa naghihintay ng sagot.
"Yes" wala sa sarili kong sagot.
Agad naman siyang tumayo at tuwang- tuwa akong niyakap.
"Salamat Jamilah. Promise I will take care of you at hinding-hindi kita sasaktan. I love you Mahal"
at hinalikan niya ako sa noo. "I- i love you too" sagot ko.
Hindi pa rin ako makapaniwala na kami na!
"Kyaaaah!! Sabi na eh!! Magiging kayo rin!!" Sigaw ni Nicole.
"Huy Mark! Subukan mo lang na saktan ang bff ko kundi magtago ka na sa lungga mo!" Sabi naman ni Bea kay Mark.
"Yes Ma'am!" Sagot naman ni Mark.
Natawa na lang ako dahil kay Bea. "Congrats!" Bati naman ng mga kabarkada ni Mark.
Ngumiti na lang ako. "Thanks" sagot ni Mark.
"Bea... Sagutin mo na rin kaya ako" Napatingin naman kami kay Nathan at kay Bea.
"Hah?" Gulat na sagot ni Bea. "Yieee sasagutin na yan" tukso namin.
"Sige na Bea. Pwede ba kitang maging girlfriend?" Tanong ni Nathan.
"Oo naman!" Kinikilig na sagot ni Bea.
"Yes!" Napasigaw si Nathan at agad na niyakap ang girlfriend niya.
"Yieee congrats!!" Bati namin.
Namula naman si Bea pero agad siyang nanakawan ng halik sa pisnge ni Nathan.
"Nathan!!" At binatukan niya. Hahaha.
"Para saan yun babe?" Nakasimangot na sagot ni Nathan.
"Wala! Sabi ko i love you!" Sabi ni Bea na agad napayuko.
Ang sweet .
"Nicole sagutin mo na rin kaya ako? Tignan mo oh. Hindi ka ba naiinggit?"
Napatingin naman kaming lahat kay Ace.
"Eh di Basted ka na!" Bulyaw nito at inirapan siya.
Kawawang Ace.
"Sorry na. Nagbibiro lang naman ako eh" pangsusuyo ni Ace.
Natawa na lang kaming lahat sa kalokohan ni Ace.
Teka, Si Kyle.
"Si Kyle nakita niyo ba siya?" Tanong ko.
"Hindi namin nakita Sis eh" sagot ni Nicole.
Sayang naman hindi ko siya makwekwentuhan.
Pero nakita ko siya kanina.
"Hayaan mo mahal hanapin natin mamaya para makwento mo na rin" sagot ni Mark.
Ang sweet naman ng boyfriend ko.
Ngumiti na lang ako at tumango.
Ngayon ko lang narealized pareho pala kami ni Bea ng monthsary.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl LoveStory (Completed)
TeenfikcePaano ba mainlove ang nerd? Paano kaya kung mainlove ito at magulo ang buhay niya? Magkakaroon kaya siya ng happy ending? ThisCraaazyGirl