*Chapter 8:
*Jamilah POV:Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung magtext sa akin si Mark.
Bumait na siya.
Hindi na rin nangtritrip sa ibang nerd. Mas nakakasama ko siya ngayon.
Pero hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya. Gusto ko na ba?
Ewan. Siguro.
Vacant ngayon kaya nag-aaral kami ni Mark. Hindi ko alam kung nasaan si Kyle
"Uy Jam! Paturo nga ng ibang equation" sabi niya.
Tinuruan ko naman siya.
Nakakailang nga lang kasi sa akin siya nakatingin.
Inayos ko yung salamin ko."Ah ganun pala yun, thank you " nakangiti niyang sabi.
Ngumiti na lang ako.
Nag-inat naman siya at sinabing 'Hay salamat nagets na rin!'
Napailing na lang ako sa kanya at inayos ang gamit ko.
Hindi namin namamalayan break time na pala.
"Tara na Jam"nakangiting sabi niya
"Sige" tipid kong sagot
Bigla namang dumating si Kyle.
"Oh Jamilah. Tara sabay ka na sa akin"sabi niya habang nakangiti.
"Sige. Saan ka ba galing?" Natanong ko.
" Wala may ginawa lang ako.Tara na?"
Tumango na lang ako paalis na sana ako kaso hinawakan ni Mark yung kamay ko.
"Teka. Sa akin siya sasabay" seryosong sabi niya.
"Narinig mo naman ang sinabi niya 'di ba? Sa akin na siya sasabay" seryoso ring sabi ni Kyle.
Palipat-lipat ako ng tingin sa kanila.
Parang may tensyon na namamagitan sa kanila."Sabay sabay na lang tayo tatlo" sagot ko.
Napabitaw naman silang dalawa sa akin.
"Oh tara na" sabi ko. At nauna na akong lumakad.
Naramdaman ko ng sumusunod sila sa akin.
Lagi na lang akong pinagtitinginan kaya napapayuko ako.
Napatingin ako kay Mark.
Nakatingin siya sa akin.
Palihim na lang ako napangiti.
*Mark POV:
Mukhang umaayos na sa lahat ang plano ko.
Napangisi na lang ako dahil sa naisip ko.
Teka nga pala, matanong ko nga 'to kung kilala niya yung Jam Fernandez.
"Ah Jam, Kilala mo ba yung Jam Fernandez?"
"Hindi eh" sagot niya.
Ay sayang naman! Nasaan kaya yun?
******
*Jamilah POV:
Pagkatapos ng klase ay pumunta ako sa locker room.
Habang nag-aayos naman ako ay may humila ng buhok ko.
"Malandi ka talaga eh no?" Nakangising sabi ni Janine.
"Ano ba Janine bitawan mo ako."nagmamakaawa kong sabi.
"Bitawan!? Huh? Dapat lang sayo 'to Bitch! At talagang pinagsasabay mo pa si Mark at Kyle ha. Ano ka feeling maganda!? Tandaan mo 'to Bitch. Layu-layuan mo sila at huwag na huwag kang magsusumbong kung gusto mo pang mabuhay" sabi niya at patulak na binitawan ako.
Ngumisi siya sa akin at iniwanan na ako.
A/n: Kung kayo si Jamilah, Saan kayo sasama? Kay Mark or Kyle?
Comment your answers and don't forget to vote ^^
Thankies!!
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl LoveStory (Completed)
Teen FictionPaano ba mainlove ang nerd? Paano kaya kung mainlove ito at magulo ang buhay niya? Magkakaroon kaya siya ng happy ending? ThisCraaazyGirl