15

3.4K 116 0
                                    


* Chapter 15:
Jamilah POV:

"Feel ko talaga may gusto sayo si Mark" kinikilig na sabi ni Bea.

Nandito kami ngayon sa cafeteria.

"Tss. Si Mark? Magkakagusto sa isang nerd?Nagpapatawa ka ba?"

"Oh bakit? Lagi ka niyang nililigtas sa mga panget na nambubully sayo. Lagi kayong magkasama. Oh?"

"Malabo yun." Sagot ko.

"Imposible namang hindi mo siya magustuhan sa inaraw araw ba naman na magkasama kayo? Gwapo naman siya, mabait, ang daming nanghahabol sa kanya, hindi mo ba alam na maswerte ka at lagi mo siyang kasama?"

"Crush ko siya." Pag-aamin ko

"Ayieee inlabo na si Bestfriend!! Yehey!! May lovelife na ang bestfriend kong nerd!!"

" nerd talaga?"

"Oo! Pinagmamalaki nga kita eh!" Proud na sabi niya.

"Hay naku Bea. Crush ko lang si Mark. Hindi love"

"Dun na rin ang punta nun!!" Sagot niya.

Hay...

"Inlove ka kay Mark Jamilah?" Napatigil naman kami ni Bea.

Parang nanlamig ako sa kinatatayuan ko. Narinig lahat ni Kyle? Patay.. Baka masabi niya kay Mark.

"Ah eh w-wala yun Kyle. N-nagbibiro lang s-si B-Bea. Di ba B-Bea?"nauutal na sagot
ko.

"Ah..." Yun lang nasabi ni Kyle.

"Tignan mo may Bestfriend ka pang Kyle. Feel ko rin may gusto rin sayo. Grabe tinalbogan mo pa si Rupunzel!" Pabulong sa sabi ni Bea.

"Tss. Umayos ka" pabulong na sagot ko rin.

"Makikisabay sana ako pwede ba?" Tanong ni Kyle..

"Oh sure!! Grabe di ako makapaniwala na makakasabay ka namin!!!"

Napatingin naman sa akin si Kyle na parang naiilang kay Bea.

Napa-iling na lang ako sa inasta ni Bea.

Tahimik lang akong kumain. Si Bea naman kwinikwentuhan niya si Kyle.
Si Kyle tango naman ng tango.

"Hi Jam Pwede ba akong makisabay sa inyo?" Tanong ni Mark na sumulpot na lang basta basta.

Tinignan ko naman ang mga kasama ko. Si Bea halatang kilig na kilig. Si Kyle naman.... Seryoso siyang nakatingin kay Mark.

Ok naman siguro sa kanila.

"Ok lang" nakangiti kong sagot.

Tumabi naman siya sa akin at ngumiti. Yung ngiting nakakainlove. Parang natutunaw ako sa mga ngiting yun.
Napayuko tuloy ako.
Parang lahat kasi ng dugo ko napunta sa mukha ko.

"AhJamilah Pwede ba tayong lumabas?"
Tanong ni Mark.

"Seryoso ka?" Gulat na tanong ko.

"Oo."

"O-okay"

Ewan ko ba at napapayag niya ako.

"Jamilah pwedeng sumama?" Tanong rin ni Kyle.

Napatingin ako kay Mark.

"Ok" at ngumiti ako

Dumaan yung mga barkada nila Mark.
Nag-usap usap rin sila.

Napatingin naman ako kay Bea. Nakatingin /nakatitig siya kay Nathan.

Hmmm.. Parang may gusto si Bea kay Nathan. Napapansin ko rin noon pa.

Napatingin ay mali napatitig rin si Nathan kay Bea.

Maganda naman kasi talaga si Bea.
Hmmm.. May chemistry itong dalawang to.

The Nerdy Girl LoveStory (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon