Chapter 16:
Jamilah POV:
Sabado ngayon at nag-ayos naman ako kaunti. Nakakahiya naman kasi kay Mark kung mukha akong tindera sa palenke.
"Saan ka pupunta Jamilah?" tanong ni Ate
"Sa mall lang may bibilhin ako"
"ah.. buti naman nag-ayos ka unti."
"oo eh"
Biglang may nag-doorbell kaya binuksan ko ang gate namin.
"Oh Kyle Anong ginagawa mo dito?"
"Di ba sasama rin ako?"
"Oo nga no? tara pasok ka"
Pumasok naman siya.
"Boyfriend mo Jamilah?"
"hindi ate. Bestfriend ko po" sagot ko.
"Akala ko boyfriend mo. Ang gwapo naman"
"hahaha. Sige na ate pupunta na kami"
"sige ingat."
At umalis na kami.
Mark POV
Haist! Bat ba kasi sumama pa itong Kyle na to!?
Ako ang nag-aya pero parang sila ang nag-de-date!Oo date sana namin ngayon ni Jamilah eh syempre gumagawa ng move.
Nakatingin lang ako sa kanila habang sila parang sweet na couple. Tss.
Sabay silang dumating ngayon.
Buti nga medyo nag-ayos si Jamilah eh pero nerd pa rin.Nakasuot ng malaking damit at nakapants. Seriously nagmukha siyang tomboy!
Bat ba naiinis ako!? Wala naman akong pakialam ah.
Pero kasi nga parang sila pa ang nagde-date!!!Haist!!!
Andito kami ngayon sa Mcdo.
Tahimik lang akong kumakain habang sila ayun nagkukulitan."Ito pa Jamilah oh" sabi ni Kyle.
"Ang dami namang fries yan Kyle" natatawang sagot ni Jamilah.
"Hahahaha"
Tss.
"Oh Mark bat parang hindi mo kinakain yang pagkain mo?" Tanong ni Jamilah.
Nakakawalang gana kasi.
"Hah? Kumakain kaya ako inu-unti unti ko lang" nakangiting sagot ko.
"Ah.. " at ngumiti rin siya.
"Teka Mark may sauce sa gilid ng labi mo" sabi niya at lumapit sa akin.
Habang tinatanggal niya yung sauce napatitig ako sa kanya.
Parang gustong-gusto kong tanggalin ang makapal na salamin niya.
"Yan tapos na" nakangiti niyang sabi.
"Jam tanggalin mo nga yang salamin mo"
"Hah? Eh hindi ako makakakita ng maayos kung wala ito" sagot niya.
"Saglit lang naman please" at nag-pacute pa ako.
Nagulat naman siya.
"Jamilah tara bili tayo ng ice cream" at hinila na ni Kyle si Jamilah.
Parang may tinatago itong dalawang to.
Hmmmm....Kyle POV:
Buti na lang at hinila ko na si Jamilah.
Tss. Ayoko kay Mark eh.
Sinadya ko talaga na sumama para hindi makagawa ng move si Mark.Alam ko kasi sa ganitong paraan makukuha niya ang atensyon ni Jamilah.
Bumili na ako ng ice cream.
"Kyle bat nagpasama ka pang bumili ng ice cream? " nagtatakang tanong ni Jamilah.
"Ah eh----"
"Ih oh uh" dugtong niya.
"Hahahaha. Wala lang gusto lang kita masolo" sagot ko.
Ano ba yang sagot ko parang double meaning.
"Sus! Kanina pa nga tayo magkasama eh! Tara na nga iniwan na natin dun si Mark. Kawawa naman" natatawang sabi niya.
Hay....
"Oo nga" matamlay na sagot ko.
Iniisip niya kasi si Mark.
Gusto ko si Mark
Hay! Paulit ulit na pumapasok sa isipan ko yang sinabi niya.
Paano kung tuluyan na siyang mahulog?
Anong gagawin ko?
Papanuorin ko na lang ba siya na nasasaktan?Hay...
Sana ako na lang Jamilah..
Kung sa akin ka mapupunta sisiguraduhin kong hindi ka masasaktan..
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl LoveStory (Completed)
Fiksi RemajaPaano ba mainlove ang nerd? Paano kaya kung mainlove ito at magulo ang buhay niya? Magkakaroon kaya siya ng happy ending? ThisCraaazyGirl