Chapter 23
Nicole POV:
Nagtitingin ako ng mga magagandang dress dito.
Napaatras ako at may nabunggo ako.
Lumingon ako para sana magsorry pero nagulat ako nung makita ko kung sino.Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko.
Sino pa nga ba? Eh di si Ace!
"Ikaw na naman!?" Gulat kong tanong.
"Hi labs!" At ngumiti pa siya na parang aso.
"Labs mo mukha mo! Anong ginagawa mo dito? Stalker ba kita?" Inis kong tanong.
"Ouch labs ah. Bumili lang ako ng damit masama bang bumili?"
"Tss. " at inirapan ko siya.
"Alam mo kahit ang sungit mo mahal pa rin kita" at kumindat pa siya.
Halos di ako makahinga sa sinabi niya.
"H-huy Ace! A-ano ba yang p-pinagsasabi m-mo!? N-naka drugs ka ba?" Nauutal kong tanong.
Letche! Bat nauutal ako?
"Sayo lang naman ako naadik eh" at ngumiti pa siya.
"Aish ewan ko sayo!" At tumalikod na ako.
Alam kong pulang pula na ang mukha ko kaya tumalikod na agad ako.
"Sir ito na po yung damit niyo" narinig kong malanding sabi ng Saleslady.
Bigla namang kumulo ang dugo ko.
Parang ang sarap hambalusin ng bag yung saleslady.Palihim naman akong tumingin sa kanila.
"Thank you" at kumindat pa si Ace sa babaeng yun.
Arrg!!
Parehong malalandi!!!
Magsama sila!!Hmp! Makaalis na nga dito! Baka mahawaan pa ako ng kalandian virus!
(A/n: uyyy nagseselos!!)
Huwag ka ngang epal miss a nagmomoment ako dito eh.
(A/n: yieeee. Aminin mo na kasi pag hindi ka umamin tatanggalin kita dito sa istoryang to at ipapatapon kita sa Mars! XD)
Grabe siya oh!
Fine. Nagseselos na happy!?
(A/n: ......)
Tignan niyo pati si Miss Author nang-iiwan na rin sa ere! Huhuhu
Bumalik na ako dun kina Jamilah.
Hmmm... Napapansin ko lang kay Kyle. Bat parang iba ang tingin niya kay Sis? May gusto rin ba ito sa kanya?
Naks haba naman ng hair ni Sis!!
"Oh bat ganyan ang mukha mo?" Tanong ni Kyle.
"Wala!" Inis kong sagot.
"Nakita ko kanina si Ace na dumaan. Yieee sis alam mo bagay kayo ni Ace" pang-aasar ni Sis.
"Tsk! Hindi ko nga yun type eh!" Sagot ko.
"Kahit na. Ang cute niyo kaya" sagot ni Sis.
"Haist Tama na nga! Uwi na tayo!" Aya ko.
"Sige tara na " sabi ni Kyle.
Paalis na kami sa botique ng tumunog ang phone ko. Kinuha ko naman ito sa bag at binuksan ang inbox.
From: 09123456789
Hi labs! Namiss mo ako no? ^__^ Alam kong nagselos ka kanina. Sorry na di na mauulit :) Ingat ka ha? Mahal na mahal kita :-*
Ang gwapo mong soon to be boyfriend,
Ace *wink*Hindi ko napigilang ngumiti.
Oo na! Kinikilig na! Kainis na Ace to!
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl LoveStory (Completed)
Teen FictionPaano ba mainlove ang nerd? Paano kaya kung mainlove ito at magulo ang buhay niya? Magkakaroon kaya siya ng happy ending? ThisCraaazyGirl