*Chapter 9:
Jamilah POV:Saturday! * yown*
Isang boring na araw para sa akin kahit masasaya ang nakapaligid sa akin.
Pakiramdam ko tuloy parang may kulang.
***
Andito ako ngayon sa park ng subdivision namin dala ang bike ko.Maganda kasi magbike paghapon.
Nag-ayos na rin ako ng unti at nagcontact lense na lang ako.
Nakakahiya naman kung pupunta ka sa park na hindi naka-ayos.
Nagbike lang ako.
Inikot ko buong park.
Madami na ring tao.
Ang sweet nga ng mga ibang couples eh.
Hindi ko na napansin yung dinadaanan ko kaya na-out-of-balance ako at
BOOM
Aray!
Natumba ako huhuhu."Ouch" napasabi ko.
Tinignan ko yung binti ko.
Waaaah!!! Ang laki ng sugat!
Dumudugo pa.
Wala pa man ding masyadong tao dito.
Sinubukan kong tumayo pero di ko talaga kaya.
Napaiyak na lang ako dahil sa sobrang sakit.
"Aish ang tanga ko naman!!" Napasabi ko na lang.
*Kyle POV:
Dahil sa sobrang bored ko naglakad-lakad na lang ako dito sa subdivision hanggang makarating ako sa park.
Umupo ako sa isang bench at nagsoundtrip.
Marami ring chicks ang kuminkindat sa akin pero di ko na lang pinansin.
Mas maganda kasi dun yung gusto ko.
Oo nga pala kamusta na kaya si Jamilah?
Sana magka-subdivision kami.
Sayang, nakalimutan kong kunin ang number niya.
Lagi kasi naman akong inuunahan ni Mark. Tss.
Ano kaya ang itsura niya kung wala siyang salamin na makapal?
Tapos nakaayos ang buhok at hindi manang magsuot?
Naalala ko tuloy yung babaeng nakita ko sa National Bookstore.
Parang may hawig sila talaga.Teka nga, bakit hanggang ngayon iniisip ko si Jamilah?
Since medyo magdidilim na ay umuwi na ako.
Palabas na ako ng park ng may nakita akong babae na nakaupo sa sahig at nakatumba na bike niya.
Hindi kaya natumba siya gamit ang bike niya?
Dahan-dahan ko siyang nilapitan.
Nakatalikod siya kaya di niya ako.
Naririnig ko pa siyang humihikbi.
"Arrg!! Kung saan-saan tumitingin eh!! Wala pang tao dito!"
Kinalabit ko siya.
"Ah miss ok ka lang?"
Lumingon siya.
"Kyle?"
Si Jamilah to.
Kahit hindi siya nakasalamin ngayon alam kong si Jamilah ito.
"Jamilah, A-anong nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong ko.
Hindi siya sumagot at tumingin sa harap.
Pumunta ako sa harap niya at nakita kong malaki ang sugat niya.
Hindi na siguro niya kayang mag-lakad.
Hindi na ako nagdalawang-isip at binuhat ko siya.
"Uy kyle!! Anong ginagawa mo?" Tanong niya.
"Iuuwi na kita" sagot ko at naglakad na.
Ang gaan niya naman pala eh.
"Hah? Uy ibaba mo na ako!! Itetext ko na lang si Manong!!" Sagot niya.
"Malapit lang ang bahay namin tsaka gabi na oh maghihintay ka pa." Sagot ko.
"Eh paano yung bike ko?"
Napatingin naman ako sa kanya.
Naka-pout siya.Ang cute lang.
"Ipapakuha ko na lang sa driver namin"sagot ko.
Tahimik lang kaming naglakad hanggang makarating kami sa bahay.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl LoveStory (Completed)
JugendliteraturPaano ba mainlove ang nerd? Paano kaya kung mainlove ito at magulo ang buhay niya? Magkakaroon kaya siya ng happy ending? ThisCraaazyGirl