12

3.7K 125 7
                                    


*Chapter 12:
*Mark POV:
Tahimik lang ako nakaupo dito sa sofa.

Arrg!! Naiinis na talaga ako! Nasaan na ba sila?

Nagring ang phone ko.

Tumatawag pala si Ace.

"Oh! Nasaan na kayo?" Naiinip na tanong ko.

(Wala man lang hello?)

"Nababakla ka na ba?"

(Ulol! Mas gwapo nga ako kesa sayo eh)

Tss. Nagyabang pa -_-

"Nasaan na nga kayo? Naiinip na ako!!!"

Magbabasketball kami dun sa bahay nila Kyle.

(Yun nga eh! Wala si Kyle! Hindi ko alam kung nasaan yun")

"Tss. Dun na lang kina Nathan"

(Sige. Punta ka na lang tutal nandito na kami.)

Pinatay ko na agad.

*******

Katatapos lang namin maglaro kaya ito kami nagpapahinga.

"Saan kaya pumunta yung Kyle na yun?" Tanong ni Ken.

"Baka may date" Ace.

"Oo nga baka nakipagdate kay Nerd! Hahahahaha!" Ken.

"Tsk. Baliw talaga yun hahaha kung ako yun hindi ako pupunta." Sabi ko naman.

"Di ba hindi naman niya yun dare? Eh bat lumalapit siya dun?"

"Hahaha baka inlove na siya dun! Wahahahaha" sagot ni Ace.

"Pero pre bilisan mo na sayang naman ang 5k di ba?"

"Oo nga hahahaha"

"Excited na akong makita si Mark na nakikipagdate sa isang nerd hahaha!"

Binatukan ko nga si Ken.

"Tss. Madali lang yan. Tsaka nararamdaman ko na rin na nagkakagusto na siya sa akin unti na lang " at ngumisi ako.

Nagtawanan na lang kami.

*Jamilah POV

Inaantok pa akong pumasok sa school. Ang ganda kasi ng binabasa ko. Tinapos ko pa.

Habang naglalakad ako may biglang umakbay sa akin. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko.
Tumingala ako para makita ko kung sino yun.
"Mark?"

Oo si Mark.

"Ang aga mo ah"

"May training kami" sagot niya.

"Ahh..."

Yan lang nasabi ko. Ewan ko ba. Kulang na lang mautal ako.
Bakit ang lakas ng epekto mo sa akin Mark?

Hanggang makarating kami sa classroom. Wala pa palang tao.

Umupo ako at pumikit. Inaantok talaga ako.

"Inaantok ka?" Tanong niya at umupo sa tabi ko.

Tumango lang ako habang nakapikit.

Pero ngayon parang nawala ang antok ko.

"Akala ko ba may training ka?" Tanong ko.

"May sinabi ba akong ganun?"

"Oo kaya!"

"Ah mamayang hapon pa yun." Sagot niya.

Ok...

Ang tahimik..

Biglang may nagbukas ng pinto kaya napalingon kaming pareho ni Mark.

"Oh Kyle Ang aga mo ah!" Sabi ko kay Kyle.

Bumalik na rin si Mark sa upuan niya.

"Syempre" at ngumiti siya.

Napangiti rin ako.

"Uhmm Jamilah pwede bang manuod ka ng training namin mamaya?" Tanong niya.
"Oo naman!" Sagot ko.

Dumating na ang iba naming kaklase at nagsimula na kaming magklase.

****

Uwian na kaya nagmadali akong pumunta sa gym.
Papasok na sana ako pero may pumigil sa akin na tatlong magagandang babae.

"Hey nerd bawal ka dito!" Sabi nung isa.

" hah? Bakit?" Naguguluhan na tanong ko.

"Look at yourself. You are so baduy and ugly! Kaya di ka pwedeng pumasok."

"Yeah right! At isa pa nerd ka hindi popular!Hindi ka nababagay dito" maarteng sabi ng isa.

Magaganda nga kamusta ang ugali?

"Di ba lahat naman ng estudyante pwedeng pumasok?"

"Yes but nandyan kasi ang mga POPULARS kaya di ka pwede dun!"

Akala ko mababait sila.

"So go away and huwag ka ng bumalik dito. Masakit ka sa mata!" At tinulak nila ako.

"Vallery!!!"
Napatingin ako dun sa sumigaw.

"Oh My Si Mark!!"

S-si Mark?

Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Parang nag-slow motion ang lahat.
Teka, ano bang nangyayari!?

Bumalik na ako sa realidad nung may tumapik sa akin.

"Jamilah ok ka lang"
Napatango naman ako.

"Mark! Bat mo ba lagi siyang pinagtatanggol!! Eh malandi naman yan!! Nilalandi niya kayong dalawa ni Kyle!."

"Huwag mo siyang tawaging malandi! Hindi siya katulad mo! Mabait siya at tahimik! Bat ba lagi niyong siyang inaapi!?"

Hinila na ako ni Mark.

"Girlfriend mo ba siya?"

Napatigil naman kami.

Hanudaw!?

" soon" sagot naman ni Mark.

O_O

The Nerdy Girl LoveStory (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon