2

5.5K 190 0
                                    

Chapter 2:

*Jamilah POV*

Maaga akong pumasok ngayon at habang naglalakad ako may bumunggo sa akin.
Natapon tuloy yung mga libro kong dala.

"Sorry Miss. "At tinapik niya ang likod ko.

"Okay lang" sagot ko.

Pinulot ko na yung mga libro ko at pumunta sa cafeteria. Break time  na kasi ngayon.

"Jamilah!" Tawag sa akin ni Bea nang makita niya ako.

"Bakit?" Natanong ko at sinabayan niya akong maglakad.

"Ano yang nasa likod mo?" At may dinampot siya galing sa likod ko.

" Pinagtripan ka nanaman! Tignan mo oh!" Naiinis na sabi niya.

Binasa ko naman ang nakasulat.
Lampang nerd?

Hay...

"Tara na. " pag-aaya ko kay Bea.

Sanay naman na ako.

Napangiti na lang ako ng mapait.

Tumango na lang siya at sabay na kaming pumunta sa cafeteria.

*Cafeteria*

Nasa table na kami at kumakain.

"Naiinis na talaga ako kay Janine" sabi niya habang nakatingin kay Janine ng masama.

Tinignan ko rin siya. May inaalila na naman siya tsk tsk.

Kailan kaya siya magbabago?

"Hayaan mo na yan" sagot ko at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Feeling maganda mas maganda ka pa nga eh" inis na inis niyang sabi.

"Tsk hindi" pagtatanggi ko at umiwas ng tingin.

"Nakita na kaya kitang nag ayos" sabi niya.

"Huwag mo ng ipaalala yan" naiinis na sagot ko.

"Ang ganda kaya ng ginawa ko sayo dati" proud niyang sabi.

Proud pa siya huh?

"Ginawa mo akong clown"  inis kong sagot.

Eh paano ba naman inayusan daw ako pero nagmukha akong clown.

"Bakit? Maganda ka naman talaga. Mag-ayos ka lang ng unti tapos tanggalin mo na  yang makapal na salamin mo at dyosa ka na" nakangiting sabi nya.

"Wala akong time para sa ganyan." Sagot ko.

"Hay nako sayang ang kagandahan mo" at nagpatuloy na lang siyang kumain.

May narinig kaming malakas na tawanan kaya napatingin naman  kaming dalawa dun.

Sila Mark pala. Napatingin siya sa akin at ngumiti kaya umiwas ako ng tingin.

"Kyaaah! Tinignan ka ni Mark at nginitian ka pa! OMG!" Kinikilig na sabi ni Bea.

"Eh ano naman ngayon?" pagsasa-walang bahala ko.

"Iba yung tingin niya eh!" Ngiting-ngiti niyang sabi.

"Baka hindi talaga siya sa akin nakatingin malay mo sa kabilang table pala"

Tinignan naman niya ang kabilang table.

"Sabagay baka lalandiin niya yang babae dyan" sabay tingin sa katabi naming table na puro magagandang babae ang nakaupo.

Nagpatuloy na lang kami na kumain at binalewala ang nangyari.

Natapos rin ang break at nagsibalikan na kami sa mga upuan namin.

Home economics pala ngayon.

Dumating na ang teacher namin.
Habang nagdidiscuss si Ma'am ay marami ng tulog at kasama na ang katabi ko.

Boring naman talaga kasi ang subject na ito.

Napatingin ako sa katabi ko.

Bryan Kyle Montenegro.

Cute rin naman pala si Kyle.

Mabait rin kaso nga lang may pagka-loko-loko. Matalino rin naman siya kung mag-aaral.

May girlfriend na kaya to?

Balita ko kasi papalit-palit siya ng babae.

Playboy.

Tsk. Hindi makontento sa isa.

Teka nga ano na ba tong pinag-iisip ko?

Pinilig ko ang ulo ko at nagfocus sa dinidiscuss ni ma'am.

Natapos na rin sa wakas ang discussion at umalis na yung teacher.
Nagingay naman sila kaya nagising na rin ang iba.

Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa librong binabasa ko.

Bigla akong napatingin ako sa bintana.

Malapit na pala ang uwian.
Isang subject na lang.

Napabuntong hininga na lang ako.

Dumating na ulit ang isa naming teacher sa History.

Buong discussion ay nakinig lang ako at nagte-take down notes na rin.

Matapos ang klase ay agad akong nilapitan ni Bea.

"Gusto mong pumunta sa isang party?" Masayang tanong niya.

"Huh? Saan ba?"

"Sa party ni Samantha" sagot niya.

"Wala akong time"sagot ko.

"Sige na! Wala naman tayong pasok bukas eh" nakapout na sabi niya.

"Ang hilig mong mag-pout. Gusto mo hilain ko yang nguso mo?" Biro ko sa kanya.

Inirapan niya lang ako.

"Sige na kasi Jam" pagpupumilit niya.

Naalala ko tuloy bigla yung laging sinabi ni Mama.

'Anak huwag ka namang puro aral lang'

Napabuntong hininga na lang ako.

"Oo na. Sasama na pero ayusan mo ako ha. Yung hindi ako makikilala" sagot ko sa kanya.

"Hay salamat naman Jamilah!" Nakangiti niyang sabi at hinila na ako papunta sa parking lot.

"Daanan  na lang kita mamaya. See you later!" Sabi niya at pumasok na sa kotse nila.

Pumasok na rin ako sa kotse namin at napasandal na lang sa upuan.

Nakarating naman kami kaagad kaya dumiretso na ako sa kwarto ko at nagpalit na ng pambahay.

Narinig kong may nagdoorbell kaya bumaba ako at binuksan ang pinto.

Bumungad naman sa akin si Bea.

Hindi naman siguro siya excited eh no?

"Tara na daliiiii" sabi niya at hinila na ako papunta sa kwarto ko.

"Hmm..." Sabi niya habang pumipili ng mga damit ko.

"Itong sky blue na dress bagay sayo" nakangiting sabi niya.

"Eh ang ikli niyan" nakasimangot na reklamo ko.

"Jamilah, above the knee lang yan" sabi niya at binigay sa akin ang dress.

"Hays, oo na" pagsuko ko at kinuha ang dress.

Mabilis akong nagbihis at agad naman niya akong inayusan.

Pagkatapos niya akong ayusan ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

"Omo!!! Ang ganda mo! Teka picture kita tapos selfie tayo pagkatapos" Sabi ni Bea.

Ngumiti na lang ako at pinicturan na ako tapos nagselfie na rin.

Nang matapos kami ay pumunta na kami sa party.

A/n: Imagine niyo na lang si Kyle(Jungkook) yan hahaha!

Please comment and vote :)
Kamsa ^^

The Nerdy Girl LoveStory (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon