Chapter 26
Jamilah POV:
Galit na galit akong umalis doon.Hmp! Nakakainis siya!!
"Hi Jam"
Napatingin naman ako sa harap.
"Hello Mark" bati ko rin.
"Bat parang galit na galit ka?"
"Wala. Si Kyle kasi" inis kong sagot.
"Hah? Bakit?Inaway ka ba niya? "
"Hindi. Galit ako sa kanya kasi hindi niya sinabi sa akin kung sino ang girlfriend niya! "
"May girlfriend si Kyle?" Kunot noong tanong niya.
"Oo. Hmp! Hindi ko siya bati"
"Hahaha ang cute mo para kang bata"
Napatingin na lang ako sa kaniya.
"Tara libre kita" sabi niya.
"Sige!"
Pumunta kaming cafeteria at bumili ng pagkain.
Umupo naman kami sa may bakanteng table.
Nagkwentuhan naman kami about sa mga alaga niyang aso.
"Wow. Nagdedate ang dalawa!"Pareho kaming napatingin ni Mark doon.
Sila Nicole at Bea lang pala.
"Madaya kayo di kayo nag-aya! Ang dami pa namang foods" nakapout na sabi ni Bea nung makaupo siya.
"Hahaha sorry siya lang nakita ko eh" sagot naman ni Mark.
"Tsk. Eh siya lang naman talaga ang nakikita mo eh!"
Natawa na lang ako sa kanila.
"Pansin ko. Bat wala si Kyle? Hindi na siya sumasama sa atin. Mahilig pa man ding manglibre yun" sabi ni Nicole.
Bigla namang nagbago ang mood ko.
"Nasa girlfriend niya" masungit kong sagot.
"Girlfriend!?" Sabay na sigaw nila Nicole at Bea.
"Oo. At pinagpalit na tayo doon! Hmp!"
"Nag-away kayo no?"
Tumango lang ako ng nakatingin sa pagkain ko.
"Ah......"
Tsk.
Lumipas ang ilang araw ganun pa rin pero kinukulit ako ni Kyle.
"Uy Jamilah. Sorry na. Please pansinin mo na ako " sabi niya habang hinahabol ako.
Tse!
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
Dumaan ang ilang oras at lunch na.
Napadaan naman ako sa isang board na madaming nagsissiksikan na babae doon.
Ano kayang meron?
Baka may activity ngayong month.Tinignan ko ito at nagulat ako sa nakasulat dito.
I'M SORRY JAMILAH PLEASE PATAWARIN MO NA AKO SA GINAWA KO. PLEASE.
Napailing na lang ako.
Tumingin naman sa akin ang ibang estudyante doon.
Haist! Bat ang kulit ni Kyle? May girlfriend na nga eh!
*********
Ilang araw na ang nakalipas simula nung kinukulit ako ni Kyle.Bigla naman siyang tumigil sa pangungulit sa akin.
Bakit kaya?
Papansinin ko na sana siya kaso hindi ko siya nakita ngayong araw.Hay....
Parang ang lungkot ko lang ngayon.
Nasanay ata kasi ako na kinukulit niya ako
*kinabukasan*
Nasa gate na ako ng school ng biglang may nagtakip sa mata ko ng panyo.
Bigla naman akong kinabahan.
"S-sino kayo?" Takot kong tanong.
"Sumama ka na lang sa amin Miss kung ayaw mong mapahamak kayo ng bestfriend mo" sagot ng isang lalaki.
Bestfriend?
Teka, Si Kyle lang naman ang wala sa grupo ah.
Hindi ko namamalayan tuluyan na akong nahihilo dahil sa pabango.
Parang dumidilim na rin ang paningin ko.
At nawalan na ako ng malay.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl LoveStory (Completed)
TienerfictiePaano ba mainlove ang nerd? Paano kaya kung mainlove ito at magulo ang buhay niya? Magkakaroon kaya siya ng happy ending? ThisCraaazyGirl