* Chapter 13:
Jamilah POV:Hanggang ngayon lutang pa rin ako...
Soon..
Soon..
Soon..Pinipilit kong prina-process sa utak ko ang sinabi ni Mark.
Soon!? Anong soon!?
May pumitik sa noo ko kaya bumalik ako realidad.
Napa-kunot naman ako ng noo."Kanina ka pa lutang" sabi ni Mark.
"Anong soon!?" Naguguluhan kong tanong.
"Soon. Malapit na!" Inosente niyang sagot.
"Anong ibig mong sabihin dun!?"
"Kasi Jamilah----"
"Captain!! Bilisan mo raw sabi ni coach!!" Sabi ni Ace.
"Ahehehehe sorry" dagdag niya pa.
Bat ba yun nagso-sorry?
"Sige. Sunod na ako!" Sagot naman ni Mark.
"Tara na Jam" at hinila niya na ako papasok sa gym.
Pagkatapos ng training nila ay naglaro sila.
Nakatitig lang ako sa kanya habang naglalaro siya.Bat ba ang gwapo nito? At ang Hot niya tignan.
Ano ba tong pinag-iisip ko!?
*Kyle POV:
Ang tagal naman ni Jamilah.
Sundan ko nga.Napahinto ako nung nakita ko si Mark na kinakausap ang mga cheer leader.
Tss. Teka nga si Jamilah ba yun?Lumapit ako ng unti.
"Huwag mo siyang tatawaging malandi! Hindi siya katulad mo Vallery! Mabait siya. At kapag ginawa mo ulit hindi mo na magugustuhan ang gagawin ko."narinig kong sabi ni Mark.
Teka inaway ba ng mga kutong-lupa na ito si Jamilah.
Ayun hinila na ni Mark si Jamilah.
Ako dapat yun eh!"Girlfriend mo ba siya!?" Tanong ni Vallery.
Hamarap naman si Mark.
"Soon" Sagot niya at umalis na sila.
Ano!? Gagawin niya ba talaga yung dare!? Napaka-gago mo Mark!!! Hindi mo alam kung sino talaga yang sasaktan mo!
Hindi pwedeng ma-fall si Jamilah kay Mark. Masasaktan lang siya. Nakapagdesisyon na ako kakausapin ko siya mamaya.Umalis na ako at dumiretso sa gym.
"Late ka" sabi ni Mark.
Napatango na lang ako."Ok! Magkakaroon tayo ng laro! Ken, Andrei, Jerome at Mark dun ka sa team ni Alex. Aldrin, Ace,Nathan, at Zake sa team kayo ni Kyle" sigaw ni coach.
Tss.
Naglaro nga kami at habang naglalaro kami napapatingin ako kay Jamilah. Nakatitig siya kay Mark. At iba na ito. Mukhang gusto niya na si Mark. Kailangan kong pigilan ang nararamdaman niya.
Natapos ang laro at kinuha ko na yung tubig ko.
"Mark oh" at nakita ko si Jamilah na inabot ang tubig kay Mark.
Nginitian naman ito ni Mark.
Tsk."Una na pala ako Mark" sabi ni Jamilah.
"Hatid na kita" sagot naman ni Mark.
"No. Huwag na. Andyan na rin ang driver ko eh. Sige ingat" at umalis na si Jamilah.
"Mark" seryosong tawag ko.
"Oh?"
"Mag-usap tayo""Tungkol saan?" Bored na tanong niya.
"Kay Jamilah"
"Dun sa likod" sagot niya at nauna na.
*Mark POV:
Pumunta kami ni Kyle sa likod."Oh ano na?" Naiinis na tanong ko.
Pagod at gusto ko ng umuwi."Itigil mo na yung dare" seryosong sabi niya.
Hahahaha! Nagpapatawa ba ito!?
"Bakit naman?" Natatawa kong tanong.
"Dodoblehin ko pa ang 5k huwag mo lang ituloy ang dare" seryosong sagot niya.
"Bakit naman dre!? C'mon nag-e-enjoy ako eh!"
"Ayokong masaktan si Jamilah.",
Napatingin ako ng seryoso sa kanya.
Gusto niya nga si Jamilah.
"Tss. Sorry dre nag-e-enjoy pa ako eh." Nakangisi kong sagot.
"Mark masasaktan lang siya! Hindi niya deserve ang masaktan!" Galit na sabi niya.
"Àno ngayon? At ano bang pakialam mo!? " galit na sagot ko.
Natahimik naman siya.
" Huwag na huwag mo akong pakialaman! Tsaka di ba kayo ang nag-utos nun!? Kaya wala kang pake kung ano ang gusto kong gawin!!"
Wala pa lang kwenta tong pinag-uusapan namin eh!
"Màrk ito lang masasabi ko. Sa oras na mahal mo na siya at sinaktan mo siya. Hinding- hindi mo na siya mababawi pa"
Yun lang ang narinig ko at umalis na dun.
Mahalin si Jamilah!? Nagpapatawa ba siya!? Asa naman!
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl LoveStory (Completed)
Roman pour AdolescentsPaano ba mainlove ang nerd? Paano kaya kung mainlove ito at magulo ang buhay niya? Magkakaroon kaya siya ng happy ending? ThisCraaazyGirl