4

4.2K 142 4
                                    

Chapter 4:
*Jamilah POV

Tapos na akong maglunch kaya pumunta na ako sa library.

Dahil sobrang init ay naglugay ako at inayos ang buhok ko. Nagpolbo na rin ng unti.

Nagpatatuloy lang ako sa pagbabasa hanggang magbell na kaya minadali kong magtali ng buhok. Wala na akong pake kung sobrang gulo ng buhok ko.

Papasok na sana ako sa classroom pero hinarangan ako ni Mark.

Pumunta ako sa kabilang side pero humarang ulit.

Ganun ang ginawa ko pero paulit ulit niya akong hinaharangan. Parang nagpapatentero nga kami eh.

Sinamaan ko siya ng tingin at saka mabilis na pumunta sa upuan ko. Tsk.

Ano na naman bang problema nila?

*Mark POV*

Nung makita ko si Jamilah bigla akong sumulpot sa harap niya.

Talagang inaabangan ko siya.

Pumupunta siya sa kabilang side pero ako hinaharangan ko.

Parang nagpapatentero na nga kami.

Sinamaan niya ako ng tingin at pumunta na siya sa upuan niya.

Ang panget panget na nga niya ang sungit- sungit pa.

Tss. Nerd talaga.

Bigla ko tuloy naalala yung dare.

*Flashback*

Nagi-spin the bottle kami ngayon dito sa cafeteria.

Tss lakas rin ng trip nitong mga kaibigan ko ah.

"Guys itong truth or dare na ito may twist. Parang bet lang pero truth or dare. Example. Nagdare si Ken. Tapos ang utos sa kanya ay pumasok ng nakamake up in 1 week. Tapos ngayon pupusta tayo kung magagawa niya ito. Kapag sumuko siya syempre sa mga pumusta ng hindi niya kaya mapapasakanila ang pusta nyo. Ganun" paliwanag ni Aldrin.

"Ano game?" Tanong ni Nathan.

"Game! " sagot nila.

Tumango na lang ako.

Pinaikot na nila ang bote.

At Naturo kay Kyle.

"Kyle. Truth or Dare?" Tanong ni Ace.

"Dare" sagot naman niya.

"Give that girl a smack kiss" utos ni Nathan dun sa katabi naming table.

"Oh ilang pusta nyo?" Tanong ni Aldrin.

"500 kaya yan ni Kyle" sagot ko.

"Wahahahaha sa tingin mo sa ganyang kaclown na babae hahalikan ni Kyle? Yaak!" At Nilabas niya ang 500 pesos.

Nagsilabasan na rin sila ng pera.

"Tss kaya ko yan. Easy lang " pagmamayabang ni Kyle at naglabas ng 1000.

Ayun nahalikan ni Kyle yung Clown na babae. Hahaha

Nagtawanan naman kami ng makita namin ang itsura ni Kyle na nandidiri.

Pinaikot nila ulit yung bote at sa akin naturo.

"Dare" wala kong ganang sagot.

"Alam mo ba yung nerd na katabi ni Kyle? Gawin mo yung gf in 3 months. Kapag nagawa mo yun. Meron kang tig 1000 pesos." Sabi ni Aldrin.

Tss. Mukhang pinag-usapan nila to ah.

Napatingin naman ako dun sa nerd.

Tss. Easy. Ngumisi na lang ako.

"Game." Sagot ko at ngumisi

*end of flashback*

Madali lang naman siyang mafall eh.

Magagawa ko rin yang Dare.

Kaya mission ko: Ang Mainlove sa akin si Nerd.

Yuck!

••••••

*Jamilah POV*

Pagkatapos ng klase ay as usual ay diretso na ako sa bahay at magkukulong sa kwarto.

Kinuha ko ang laptop ko saka nilog-in ang account kong si Jam Fernandez.

Ito yung kagagawa kong account at ginawa kong profile picture yung nakaayos ako.

Marami akong notification kaya inuna ko muna yun.

"Mark Jaycee Samonte Added you"

"Bryan Kyle Montenegro Addded you"

"Bea Ramirez Added you"

Yan ang mga una kong napansin.

Inaccept ko na lang sila at tinignan ang iba pang notification.

Maya-maya biglang may nagpop up na namang notification.

"Mark Jaycee Samonte commented on your photo"

Napakunot ako ng noo at clinick yun.

'Ang ganda mo'

Yan yung comment niya.

Tsk. Playboy rin 'to eh.

Hindi pa nakuntento, nagmessage pa.

Mark Jaycee: Hi. Ka-schoolmate pala kita? Bakit hindi kita nakikita?

Napairap naman ako.

Jam Fernandez: Hindi ako madalas lumabas eh

Bigla ring nagmessage si Bea.

Bea Ramirez: Guuuurl! Bagong account mo?

Jam Fernandez: Oo. Huwag kang maingay

Bea Ramirez: Sige ^^

Sakto namang nagmessage na si Mark.

Mark Jaycee: Ah.. Sana makita kita bukas.

Jam Fernandez: Busy ako eh. Uhm sige log out na ako may gagawin pa ako eh.

Nilog- out ko na lang at Napahiga na sa kama.

The Nerdy Girl LoveStory (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon