25

3.3K 110 2
                                    

Chapter 25

Jamilah POV:

Nakita ko si Kyle sa garden kaya pupuntahan ko sana siya kaso may lumapit sa kanya  na babae.

Pinanuod ko lang sila kahit ang lungkot ko.
Ewan ko ba kung bakit.

Sino ba yung babae?

Girlfriend niya ba yun?

Masaya niyang niyakap yung babae.

Siguro sinagot na siya.
Nakasimangot naman akong umalis dun.

Ang daya niya!
Bestfriend niya ako kaso hindi niya sinabi ang gusto niya!
Siguro itatago niya na rin sa akin na may girlfriend na siya!

Pero Bakit ang sakit?

Siguro kasi hindi niya sinabi kung sino ang nililigawan niya.

Kung iniiwasan niya ako dahil sa girlfriend niya eh di mag-iwasan kami!
Baka masira ko pa ang relasyon nila!
Nakakahiya naman!

********

Kyle POV:

Nandito kami ni Mae sa cafeteria. Nagpla- plano kami kung paano ko makukuha ang atensyon ni Jamilah.

"Ok ganito ang plano. Yayain mo siya kumain at magkwentuhan kayo tungkol sa anong mga gusto niya. Kapag nalaman mo na gawin mo yung mga yun!" Sabi niya.

"Ok. Nasaan ba siya?"

"Abay malay ko! Hanapan ba ako ng mga nawawala!? Hanapin mo! "

"Tsk. Ang sungit naman nito. Sige na nga baka nandito lang siya sa cafeteria." Sagot ko at umalis na.

Natanaw ko naman si Jamilah sa may pintuan kaya agad akong lumapit sa kanya.

"Hi Jamilah!" Bati ko.

Nagulat naman siya.

"H-hi Kyle. Bakit?"

"Yayain sana kita kumain. Sorry kung hindi na ako nagpaparamdam sayo kasi busy lang"

"Ganyan naman eh kapag nagka-girlfriend na kayo iiwanan niyo na kami at hindi na magpaparamdam sa amin kasi busy nga kayo! Busy kayo sa girlfriend niyo!" May galit na sagot niya.

"Huh? Girlfriend saan mo naman nakuha yan?"

"Abat magmamaang-maangan pa! Di ba may girlfriend ka na! Nakita ko! Magkayakap pa nga kayo eh! Bestfriend mo ako pero di mo man lang sinabi kung sino yun!" Galit na sabi niya.

"Wala akong girlfriend Jamilah!"

"Walang girlfriend! Tsk! Di ba iniiwasan mo ako dahil sa kanya? Oh eh di ako mismo  ang iiwas sayo! Baka makasira pa ako sa relasyon niyo! Magselos pa siya! Hmp! Ito na ang huling pag-uusap natin! Huwag mo na ulit akong lalapitan!" Galit na sabi niya.

"Teka lang Jamilah"

Pero huli na..

Haist!

Bumalik na ako sa table namin.

"Bat ang bilis mo? Anyare?" Tanong agad ni Mae.

"Wala. Iiwasan niya na daw ako dahil may girlfriend na daw ako" inis na sagot ko.

"What!? Girlfriend!? Omo! Napagkamalan niyang Girlfriend mo ako! Yuck! Di ako papatol sayo!"

"Alam kong di ka papatol tss. Anong gagawin ko?"

"Ang palpak mo naman kasi Kyle!!! Nag-explain ka na sana! Ayan tuloy mahihirapan ka pang masuyo siya!"

"Haist di ko na alam gagawin ko" sagot ko.

"Ano susuko ka na?  Hahayaan mo na lang bang makuha siya ni Mark? Kunt talagang mahal mo siya huwag kang sumuko! Fightings!!!"

Napangiti na lang ako.

Maasahan talaga tong si Mae.

"Thank you Mae!"

Yayakapin ko sana siya kaso pinigilan niya ako.

"Gusto mo bang makita tayo Ni Jamilah? Umayos ka!" Masungit na sabi niya.

Ngumiti na lang ako.

Hindi ako susuko Jamilah.

The Nerdy Girl LoveStory (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon