Chapter 1:3kings

8K 130 2
                                    


-coleen-

Umpisa na naman ng klase sa Rufflin's Academy. Isang panibagong taon na naman.Maraming estudyanteng nagkakagulo sa lobby kung saan nakapost ang names and section ng fourth year. Mga eatudyanteng sabik na malaman kung sino ang mga makakasama nila sa buong taon.

Umupo muna ako sa mga upuan na nakakalat sa lobby. kinuha ko yung libro ko at nag-umpisang magbasa. Mamaya ko na lang aalamin kung saan ako kabilang. Mahirap kasing makipagsiksikan.

Every year level are divided into 3 sections.

FOURTH YEAR

-Section A
Sikat sa tawag na 'star section' maraming naghahangad na mapunta sa section na ito. Student A ang tawag sa kanila. Mga popular, magaganda, gwapo at matatalino ang mga estudyante dito. Pero marami din ang may ayaw sa section na ito. Karamihan kasi sa kanila ay mga bullies and mean.

-Section B

Student B. Kabilang sa section na ito ang mga matatalino at mahuhusay pagdating sa larangan ng pagkanta, pagsayaw, pag-arte, at iba pa.

-Section C

Student C. Ang pangatlong section. Kabilang sa section na ito ang mga matatalino at mahuhusay pagdating sa larangan ng sports.

Isa sa mga layunin ng Academy ang magkaroon ng kaayusan sa paaralan  kaya pinagsama-sama nila ang mga estudyanteng magkatulad ang interest para maiwasan ang hindi pagkakasundo. Kaya hindi nakakapagtaka kung bakit ganito kasikat ang academy sa buong city.

Naramdaman ko  na may umupo sa tabi ko. Nilingon ko ito. Si Troy ang best friend ko.

"Hey " he started

"Where is Athena? " I asked

"Ayun! " sabi niya. Bigla siyang tumayo at nilapitan si Athena.sinara ko na yung libro na binabasa ko at nilagay sa bag ko. Tumayo na din ako para puntahan silang dalawa.

"Hi Coleen" sabi ni athena at hinalikan ako sa pisngi. Damn! I miss them.

Tiningnan ko ang paligid. Iilan na lang ang mga Tao. Agad ko na silang niyaya agad naman silang sumunod saakin. Hinanap na namin agad ang section namin.

Hindi naman ako nahirapan hanapin ang pangalan ko. tiningnan ko kung anong section ako at........

Mygosh! What?  Totoo ba to?.

Hindi ako makapaniwala .hindi ako bagay sa section na yun. Paano ako napunta duon?.

Baka nagkamali lang sila.? Oo tama baka ganun nga pero ang imposible naman na nagkamali sila sa pag-aayos ng sectioning.

"Uy" halos mapatalon ako sa gulat ng hawakan ni Troy yung balikat ko. Ilang minuto din akong tulala.

"B-bakit? " nauutal kung tanong Kay Troy pero hindi siya sumagot bagkus ay tinitigan lamang ako.

"Are you okay Coleen? " athena asked .

"I'm fine" sabi ko. Hindi pa rin sila sumagot tinitigan lang ako ni Troy hindi parin niya inalis ang pagkakahawak sa balikat ko. Nakita kung naglakad si Athena papunta sa bulletin .iniisa isa niya ang bawat papel na nakadikit duon.

"OMG Coleen! " inalis ni Troy yung kamay niya sa balikat ko. At tumingin Kay athena.

"Why? " Troy asked

"Student A" sabi ni athena. Napatingin saakin si Troy, yung tingin na sinasabing 'totoo ba? '.

Tumango na lang ako. Bakas sa mga mukha nila ang pangamba alam kasi nilang dalawa na ayaw na ayaw ko sa section na yun.

I Fell Inlove With The Most Unexpected PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon