Chapter 29: okay

3.1K 74 3
                                    

~Coleen's Pov ~

Papunta ako sa sementeryo ngayun para dalawin ang isa sa pinaka importanteng tao sa buhay ko.

Ilang araw na rin ang lumipas pero nanatiling ganun ang sitwasyon. Marami akong nalaman sa buhay ko dahil sa mga pangyayari ngayun.

Bumaba ako sa sasakyan ang tagal ko ng hindi nakakapunta dito hindi ko na maalala kung kailan. Inabot saakin ni manong ben ang mga binili kung bulaklak. hindi ko na sinama si mommy dahil  sinasamahan niya si Tito sa pagaayos ng kung anu- anong bagay. Okay na naman kami ni mommy pero hindi ko pa rin matangap na naging ganun si mom. Hays!

"Hija, hihintayin ka na lang namin dito  " sabi saakin ni kuya ben bago pumasok sa kotse. tumango lang ako tapos naglakad na papunta sa dadalawin ko.

Bumuntong hininga ako tapos umupo sa harap niya. nilapag ko yung mga bulaklak at sinindihan yung mga kandila. pinakiramdaman ko lang yung sariwang hangin na humahaplos sa balat ko, ang tahimik na kapaligiran at magandang tanawin. I like this place. Peace!

Humiga ako sa tabi ng libingan niya at tumingin sa bughaw na kalangitan.

"Dad, I missed you " nakangiti kung sabi. I really really miss my dad. nilagay ko yung kamay ko sa taas ng tyan ko tapos pinagsiklop ito.

"Bakit kasi ang aga niyo kaming iniwan, wala na tuloy yumayakap at kumakausap saakin kapag nalulungkot ako "

Naalala ko na naman yung bata ako. kapag may umaaway saakin o kapag malungkot laging to the rescue si dad. kahit busy siya sa trabaho humahanap pa rin siya ng time para makasama ako.

"Dad, 18th birthday ko na next day I want you to be there but I know it's impossible . gusto ko kayong isayaw pero alam kung hindi na iyon mangyayari." i smile tapos pinikit ko yung mga mata ko dahil nasisilaw ako sa sikat ng araw.

Laging sinasabi saakin ni dad na kapag 18th birthday ko dapat special ,at handa siyang umabsent sa trabaho para tumulong sa paghahanda. He's willing to sacrifice everything for me because I'm  his daughter. his princess.

"Tsk! hindi mo tuloy nakilala si Zach sayang magkakasundo kayo sa kalokohan " natatawa kung sabi. parehas kasi sila ni dad magaling sila sa mga kalokohan.

Biglang ko tuloy naalala si Zach. lagi ko siyang tinatawagan pero wala. sabi nila Tristan hahanapin daw nila yun. Aissh! I miss that jerk! gusto ko siyang makausap pero natatakot ako baka galit siya saakin o kaya sa pamilya ko.

"Dad, please help me to find him. I miss him so much " dumilat ako tapos ngumiti ulit. kung nasaan ka man ngayon sana okay ka lang.

"Kapag hindi po siya sumipot sa birthday ko multuhin niyo po siya. " pagbibiro ko. umaasa pa din ako na makikita ko siya duon dahil bukod sa birthday ko, monthsarry din namin yun. balak ko panaman gawin siyang escort pero mukhang malabo dahil alam kung hindi siya pupunta. Nag papa miss lang siguro yun at nakakainis dahil effective .

Naalala ko  kung paano nawala si dad.  high school ako no'n, I called dad to fetch me dahil binubully ako. gustong gusto ko ng maka uwi dahil sobra akong natatakot, inaasar at sinasaktan nila ako dahil sa itsura ko. hinintay ko si dad sa labas, sobrang kinakabahan ako at nilalamig dahil umuulan no'n. ilang oras akong naghintay at halos umiyak na dahil akala ko Hindi ako sisiputin ni dad until I received a call from someone at pagkatapos kung marinig ang nangyari ay hindi ko na nakayanan at nahimatay ako. pag gising  nasa hospital na ako  at pagkamatay agad ni daddy ang bumungad saakin . Hanggang ngayon sinisisi ko pa din ang sarili ko sa pagkawala ni dad. Dahil saakin naaksidente siya. Dahil saakin namatay siya.

Kinausap ko lang si daddy. kahit na hindi siya sumasagot alam kung nakatingin siya saakin at binabantayan ako mula sa taas. tanggap ko na wala na talaga. Nangyari na ang nangyari at alam kung may dahilan ang lahat ng mga nangyayari ngayun. wala na naman akong magagawa para bumalik si dad ang kailangan ko lang gawin ay tanggapin ang lahat. ayaw ni daddy na umiiyak ako at nalulungkot so smile and be happy.

I Fell Inlove With The Most Unexpected PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon