Chapter 20 : I'm yours

3.6K 123 11
                                    

~Coleen's Pov~

*Lunch*

Dumiretso agad kami nila Athena at Troy sa canteen. sobrang namiss ko talaga ang dalawang makukulit kung best friend. as usual pinagtitinginan na naman kami ng mga estudyante. ewan ko ba kung bakit ganyan sila makatingin lalo na saakin eh wala naman akong ginawa sa kanila. hmmp!

"nakakainis!! " sigaw ni Athena habang nakatingim sa phone niya. napatigil naman kami ni troy sa pagsubo. tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit? " takang tanong ni Troy. magkatabi kami troy tapos nasa harap namin si Athena na hindi maipinta ang mukha.

"Kagabi pa siya nangungulit saakin!! " sagot ni athena.

"Sino naman?! " tanong ko. uminom siya ng juice tapos tumingin saamin.

"Si Zayne! " halata sa boses niya na naiinis siya.

"my cousin? " sabi ni Troy habang hawak ang tinidor niya.

"Duh! sino pa ba! " mataray na sagot ni Athena sabay irap.

Ngumiti ako "anong meron sa kanya? " . Umirap ulit siya.

"text ng text "

Nagtaka ako. "Paano niya nakuha number mo? " tanong ko.

Biglang nabaling yung tingin niya kay Troy na nakatingin saakin .

"troy! " sigaw ni athena. humawak si troy sa braso ko at dumikit saakin na parang tarsier. So may ginawa na naman siyang kalokohan!.

"Ikaw ba ang nagbigay? " hindi ko alam kung matatawa ako sa mga nangyayari sa kaibigan ko eh para silang mga bata. hindi tuloy ako makakain dahil may tarsier dito.

"Ahhh.... " sabi ni troy tapos umiiling iling pa. anu ba yan! kahit hindi na siya magsalita mukha niya lang halatang guilty na talaga siya. -_-

"Ikaw ang nagbigay noh? "

biglang ngumiti si Troy tapos nag peace sign ." Sorry " .

bigla na lang sumama ang aura ni athena. kinuha niya yung kutsara at akmang babatuhin niya ito kay Troy ng awatin ko na sila. "Tama na yan guys! " . baka makagawa pa kami ng show dito eh. Hayy! lagi na lang silang nagaaway.

" Ang kulit kasi ni Zayne eh" sabi ni Troy sabay pout.

"Ewwww" comment ko.

"Bakit mo kasi binigay? " sabi ni athena. nagpatuloy na din siya sa pagkain niya.

" I don't know! just ask him " sabi ni Troy tapos kumain.

Bigla ko siyang binatukan. " baliw ka talaga! " sabi ko.

"Gwapong baliw " sab niya sabay kindat.

"Ewwww" sabay na sabi namin ni Athena. " Ang hangin " dugtong namin.

He chuckled. "Sus! "

maiba tayo. " Ano ba yung sinasabi sayo ni Zayne? " pangaasar ko.

"Kung pwede ba daw kaming magkita, lumabas, at kung ano-anu pa. kahit sa Facebook hindi ako tinitigilan. Kairita" paliwanag niya.

"Bakit ayaw mo? " singit ni troy.

Umirap na naman siya. "Duh! ayaw ko eh!. baka plano lang nila yun tulad ng ginawa ni Zach sayo. Syempre natatakot ako "

Bigla akong natameme. Naalala ko na naman yung mga Trip na ginawa nila saakin. Sobrang nakakainis. tapos ngayun nagpupumilit si Zach na maging kami. Duh! hindi ba talaga uso sa kanila ang ligaw ligaw na yan. ganun din kaya si Troy?.

I Fell Inlove With The Most Unexpected PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon