~Coleen's Pov~
"WHAT?!!! "
"Seriously? "
"Shit! "
"I want to kill them"
"Shut up Troy!, that's not a good idea! "
"I know, but you can't blame "
"Sasampalin ko yung mga yun"
" I know it's so gay but I will do the same "
"Really?.ang isang playboy mananampal?. "
"Tss. "
"Sasabihin ko ito kay Korina"
"Buti naman may naisip kang matino"
"Tss"
Napailing na lang ako sa naging reaksyon ng mga kaibigan ko.kniwento ko kasi sa kanila yung mga nangyari. Wala naman talaga akong balak sabihin sa kanila ang nangyari dahil alam kung mag- aalala sila saakin, kaso paglapit ko sa kanila tinadtad na nila ako ng tanong dahil sa malakamatis kung pisngi. Kaya no choice sinabi ko sa kanila.
Nasa canteen kami ngayon.syempre para kumain.
Magkatabi sila Troy at Athena tapos nasa tapat nila ako. Gutom na gutom na ako pero Hindi ako makakain ng maayos kasi lahat ng estudyante dito nakatingin saakin. Sobrang sama ng tingin
Tungkol na naman ito kanina. Kasalanan nila to eh. May pa holding holding hands pa kasing nalalaman .Ako yata ang kukuha ng gold record para sa pinakamaraming haters.
Buti na lang natakasan ko sila Zach kanina. Bago kasi mag break pinatawag sila ni Sir. Malabnows about math contest akalain mo yun mga math wizard pala yung tatlong yun. kaya nakatakas ako.wala naman sigurong mangyayaring masama saakin kasi kasama ko mga kaibigan ko.
"Okay ka lang ba ?" tanong ni Troy .nag aalala pa rin siya saakin. Tumango ako. Ngumiti lang siya tapos bumalik na sa pagkain ng pizza.
"Irerepot ko yun Kay korina at Jeremy " sabi ni Athena. Isa pa tong babaeng toh, napaka OA. Galit na galit kasi siya dinamay niya pa yung pagkain. Kawawa tuloy yung chocolate cake. Durog na durog na. Nakakaloka.
"Hindi na kailangan, okay lang ako wag na kayong mag-alala"sabi ko sa kanila. Sabay ngiti ng pilit.
"Anong okay?. Tingnan mo nga yang mukha mo pulang pula na tapos okay ka pa rin? " singhal ni Athena. Wala talaga akong laban sa kaniya. Sanay na naman ako na ganyan sila. Sila kasi laging nagtatangol saakin kapag may nanakit saakin.
" wag na kayo mag-alala saakin" sabi ko. Okay lang naman talaga ako eh. OA lang talaga sila. Sinabi ko sa kanila ang nangyari maliban sa pagtatangol saakin nila Zach. baka magalit pa sila lalo kapag nalaman nila na napahamak ako dahil sa 3kings.
"Pag bibigyan ka namin . Pero kapag inulit pa nila kung sino man sila hindi ko na yun mapapalagpas" sabi ni Athena. Tumango na lang ako.tapos nagpatuloy sa pagkain ng strawberry cake. I'm so lucky to have a friend like them.
Napabuntong hininga na lang ako. Haaay. Wala bang bago sa buhay ko?. Nakakasawa na eh. Lagi na lang ganito. Inaway ako ni ano, sinabunutan ako ni ano, sinamapal ni ano, sinubsob, tinulak, pinahiya, at kung ano ano pa.
"Troy bilisan mung kumain magtitime na " sabi ni Athena. Kahit kailan napakabagal talagang kumain ni Troy.
Susubo pa sana si Troy ng biglang..........
*Riiiiiiinggggggggg*
" Shit! " he cussed. Ang takaw niya talaga.
"Let's go na " sabi ni Athena.kinuha niya na yung bag niya tapos naglakad na.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With The Most Unexpected Person
Novela JuvenilIt's all started with a DARE... She's just a simple girl. She's a nerd and everybody hates her including the 3bad boys of Rufflin's Academy. Parang damit kung mag palit ng mga Babae. Walang ginawa kundi mang bully at ang sakanila ay sakanila. Pero...