~Coleen's Pov~
para akong timang sa kwarto ko. tanghali na pero hindi parin ako bumabangon. nakatitig lang ako sa kisame umaasa na kakausapin niya ako. ang sakit ng ulo ko at alam kung magang maga ang mga mata ko. hanggang ngayun nalilito pa rin ako. hindi ko makalimutan ang nangyari kagabi anong oras na rin ako umuwi. nagpasundo na ako kagabi dahil alam kung delikado at ang sama na rin kasi ng pakiramdam ko dahil basang basa na ako ng ulan.
Sunday ngayun. dapat naghahanda na ako para pumunta sa unit niya pero eto, nakahiga pa rin ako at titig na titig sa kisame.
Baliw na ba ako?.
Kahit sa panaginip si Zach ang laman .ugh. Zach ano bang ginawa mo saakin at nagkakaganito ako?.
Kahapon umiiyak ako dahil sa kaniya. Tapos ngayun iniisip ko naman siya.
bumangon na lang ako. pumunta ako sa banyo at naghilamos. tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. ZOMBIE. mas pumangit ako. kainis. Lumabas na lang ako ng banyo baka ano pa magawa ko sa salamin .sinuot ko yung eye glass ko at lumabas na ng kwarto.
"Good morning hija" bati saakin ni manang che habang nagaayos ng mesa. ngumiti lang ako. binuksan ko yung fridge .kinuha ko yung fresh milk at isinalin ito sa baso. agad ko naman itong ininom.
Bumalik na ako sa kwarto ko para matulog. wala talaga ako sa mood ngayun. Wala akong gana na ewan. Hindi ko maintindihan sarili ko kabanas.
Nagdive ako sa kama ko. ang sakit ng ulo ko tapos nilalamig pa ako. Lalagnatin yata ako eh.
-----------------------
*Monday*
Pumasok pa rin ako sa Academy kahit na masama ang pakiramdam ko. Ang sakit ng ulo ko tapos ang init ko pa. nilalamig din ako. pinagtitinginan nga ako ng mga estudyante kanina dahil ako lang ang nakajacket tapos tirik na tirik yung araw.yung iba gusto ng mag hubad dahil sa init pero ako nakajacket pa.hindi naman mataas ang lagnat ko kaya kinaya ko pang pumasok. Lagnat lang ito kaya kere lang. kinaya ko nga ang pambubulas ng mga kapwa ko estudyante ito pa kaya.
Pagpasok ko sa room umupo agad ako sa upuan ko. maaga pa kaya kaunti palang ang nandito. Syempre dahil invisible ako sa kanila hindi nila ako napansin o sadyang wala talaga silang pakielam. tsk. Bakit ba Star Section ang tawag sa kanila di hamak na mas mabait ang estudyante ng Section B and C.
Yumuko na lang ako. ~brrr~.ang lamig talaga. ang sakit pa ng ulo ko ugh. every monday ang Test day namin kaya kailangan kung pumasok.
Naramdaman kung may umupo sa tabi ko. umingay na rin ang paligid. nagsidatingan na ang mga kaklase ko hayy. hindi ko na tiningnan kung sino yung mga umupo dahil sigurado ako na ang 3kings yun. katabi ko pala sila. kabanas naman.
Ayaw kung makita si Zach. alam kung magagalit na naman siya dahil hindi ako pumunta sa unit niya kahapon. Parusa na naman.
Bigla na lang bumigat yung likod ko. Ugh.... si Zach na naman to for sure. Ugali na niya ang ipatong yung kamay niya sa likod ko kapag nakayuko ako.
"coleen"
Tumingala ako at umayos ng upo.hindi ko pinansin si Zayne na tumawag saakin. sumandal ako sa upuan at pumikit. Ang sakit ng ulo ko. mukhang hindi ko kaya ang yabang ko kasi eh.
"Hey!.Are you okay? " minulat ko ang aking mga mata. nagulat ako ng makita ko si Zayne at Tristan na nasa harap ko na .titig na titig silang dalawa saakin bakas din sa mukha nila ang pag-aalala.
Tumango ako. Nagulat ako ng biglang tumayo si Zach. naagaw niya ang atensyon ng lahat dahil sa ingay ng upuan. lahat ng mata ay nasaamin na.
Hinawakan ni Zach yung noo ko. "Ang init mo! " sigaw niya. bakit ganito ang reaksyon nito?. ang OA. sisigaw talaga?. nag-aalala ba siya saakin?.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With The Most Unexpected Person
Teen FictionIt's all started with a DARE... She's just a simple girl. She's a nerd and everybody hates her including the 3bad boys of Rufflin's Academy. Parang damit kung mag palit ng mga Babae. Walang ginawa kundi mang bully at ang sakanila ay sakanila. Pero...