Chapter 14: Coleen

3.9K 100 9
                                    

~Coleen's Pov~

"What?! "

" Hinalikan ka niya?!! " gulat na gulat na sigaw ni athena. napasimangot ako sa naging reaksyon niya. bukod sa ang sakit sa tenga ng boses niya. napaka OA niya pa. dinaig niya pa ako.

"Oo " irita kung sagot. paulit ulit niya kasing sinasabi ang katagang yun. nakakarindi na.

"Talaga?!" sabi niya tapos ngumiti ng nakakaloko. Baliw na talaga siya.hindi maka move on.

hindi ako sumagot.

Andito kami sa kwarto ni Troy.naisipan namin mag movie marathon dahil walang pasok . sinabi ko sa kanila ang nangyari kahapon at ganyan ang naging reaksyon ni Athena. Samantalang walang kibo lang si Troy, hindi na siguro bago sa kanya ang marinig iyon dahil kilala ang kababata niya na si Zach sa pagiging playboy .

Pasimple kung hinawakan ang labi ko at napailing. hindi ako makapaniwala na si Zach ang first kiss ko. pagkatapos ng ginawa niya kahapon hinatid niya pa ako sa bahay ko. Tuwang tuwa pa siya habang ako ay buong byaheng nakatulala dahil hindi pa din ako makapaniwala. lalo niya lang pinagulo ang nararamdaman ko. magdamag kung hinawakan yung labi ko at hindi makatulog.

tumayo ako at niyakap si Troy na seryosong nanonood ng Harry Potter. niyakap ko siya ng mahigpit. Ang saya saya ko. hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing naaalala ko ang ginawa ni Zach kinikilig ako na ewan. Ang malambot niyang labi. Sh*t! Ano ba itong iniisip ko?.

"Hoy! " sabi ni Troy. Hinampas niya pa yung braso ko. agad akong kumalas sa pagkakayakap sa kaniya. kinunutan niya ako ng noo. nagtataka siguro siya sa ikinikilos ko. kahit naman ako.nababaliw na yata ako.

Tiningnan ko naman si athena. nakaupo siya sa tabi ni Troy at seryosong nanood habang kumakain ng pop corn. idol niya kasi si Hermione .parang kanina lang ng ikwento ko ang nangyari gulat na gulat pa siya sa ginawa ni Zach .paikot ikot pa siya sa kwarto ni Troy. dahil OA siya. kung maka react akala mo nabuntis ako ni Zach at wala siyang balak panagutan ako .OA. nagbangayan pa sila ni Troy kanina dahil binato ni Troy si Athena ng unan dahil nakaharang siya sa TV. dahil OA si athena nagalit agad siya kaya nag talo na naman sila.

Umupo ako sa tabi ni Troy. Binuksan ko yung piattos na binili namin kanina. kumain ako at seryosong nanood ng Harry Potter. Pero bakit ganun?. si Harry yung nasa palabas pero bakit mukha ni Zach yung nakikita ko?. kumurap kurap ako. Damn you Zach! bakit ikaw parin ang nakikita ko?. kinusot ko yung mga mata ko tapos tumingin ulit sa TV si Harry na yung nakita ko.

Praning na yata ako?.

------------------------------

~Zach's Pov ~

"Bro, kamusta na? " salubong saakin ni Tristan pagdating ko sa Bar nila Zayne.

I smiled at him. ginulo ko yung maayos niyang buhok kaya sinamaan niya ako ng tingin. ang sarap niya talaga asarin.

Umupo na ako sa tabi ni Zayne. nasa tapat naman namin si Tristan. agad naman akong inabutan ni Zayne ng alak. "musta bro? " sabi ni Zayne.

Ininom ko muna yung alak bago nagsalita "ayos lang ". wala kaming pasok ngayun kaya nagyaya si Zayne mag bar. sinang ayunan naman namin ito ni Tristan dahil matagal na din akong hindi umiinom at nangbababae.

"Wala bang chix dito? " reklamo ni Tristan saka uminom ng alak.

"Oo nga " sabi ko. tumingin tingin ako sa paligid. kaunti lang ang tao at karamihan ay mga lalaki. bad trip naman. wala bang maita-table. ?

Ngumiti lang si Zayne. mukhang nagkamali kami ah. kilala ko to si Zayne hindi siya nabubuhay ng walang babae. saaming apat, Troy, Tristan, ako, siya. Si Zayne ang pinakamatinik sa babae lahat ay nakukuha niya sa ngiti at kindat niya.

I Fell Inlove With The Most Unexpected PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon