~Coleen's Pov ~
" are you okay ? " my mom asked me. tumango lang ako kay mom tapos lumabas na siya ng room.
Ilang oras na lang ay magsisimula na ang party kaya abala na ang iilan sa labas. inimbitahan ko yung mga malalapit kung kaibigan at iilan kung mga kaklase. Si mommy naman ay inimbitahan yung mga kaibigan at ibang mga relatives na malapit lang mukhang mas marami pa nga ang naimbitahan ni mom kaysa saakin na may birthday eh.
Umupo ako at humarap sa malaking salamin. May nag-aayos ng buhok at nagmi-make-up saakin medyo naaalibadbaran nga ako eh kasi ang daming nilalagay sa mukha ko tapos grabe kung makahawak yung bakla na nag-aayos saakin akala mo sinasabunutan ako eh.
meron ding ibang nag-aayos sa susuutin ko. Ewan ko ba kay mom dahil sobrang excited niya daig niya pa ako . Dapat ako yung ma excite eh kasi araw ko ito pero ewan ko ba parang may kulang.
Kahapon kasi tinawagan namin ni Aliah si Zach. sobrang saya ko dahil finally binuksan niya yung phone niya. Sinadya talaga namin ni Aliah na hindi magsalita at pakinggan na lang siya. Kahit boses niya lang ang naririnig ko sobrang saya ko na at sobrang sarap sa pakiramdam. pansin ko din sa boses niya na ang iritado niya kaya naisip namin ni Aliah na baka galit siya at hindi pa siya handang makipag-usap saamin kaya binabaan na namin siya.
Inimbitahan din ni mom si Tita Kim yung mommy ni Zach. Nakakatuwa nga kasi talagang okay na sila ni mom at sobrang close agad nila pero kahit si Tita ay hindi pa niya nakakausap si Zach. Kapag nakita ko talaga yung loko na yun lagot yun saakin. nakakaiyak miss ko na yun.
"Aray! " napahawak ako sa buhok dahil bigla na lang hinila ng bakla yung buhok ko.
"Sorry girl! Sobrang tigas kasi ng buhok mo. hindi ka ba nagsusuklay ha? " maarte na sinabi niya nakita ko pa sa salamin kung gaano kaarte niya ako inaayusan ng buhok. hindi rin ako makagalaw dahil nilalagyan ako ng kung anu-ano sa mukha ko.
"Hindi eh! " nahiya tuloy ako bigla. hirap talaga kapag hindi nagsusuklay.
"Tsk! Kaya pala wala kang boyfriend. hindi ka talaga makakahanap ng boylet kapag bruha ka! " natatawa pa siya habang sinasabi yun. tinaasan ko siya ng kilay.
"May boyfriend ako halerr! " inartehan ko din yung pagsasalita. Akala niya ha siya lang marunong!.
Natawa siya bigla " owss? Talaga ba? " hinampas ako ng mahina sa braso " tigil tigilan mo na yang pag didaydream mo "
Loko to ah! baka siya itong nagdadaydream. Upakan ko kaya toh!.
" tss. totoo nga hindi ako nagbibiro " sabay tawa.
"Oo na naniniwala na ako! ito naman! ipakilala mo siya saakin ah " ang arte niya talaga magsalita. Paano ko naman ipapakilala sa kanya si Zach kung wala naman siya mamaya.
"Ate Coleen! " napalingon agad ako para hanapin kung sino yung tumatawag saakin at nakita ko si Aliah na nakaayos na pero nakapambahay parin siya mamaya pa siguro siya magbibihis and Wow! dahil lumapit siya saamin at sobrang ganda niya walang duda na magkapatid talaga sila ni Zach.
" wag kang malikot! " agad akong humarap dahil pinagalitan ako ng mga nag-aayos saakin dahil ang likot ko daw. Kainis naman!
Narinig kung tumatawa si Aliah " happy birthday ate " lumapit siya saakin tapos hinalikan ako sa pisngi.
"Mamaya na yung gift mo " sabi niya sabay layo ng kaunti saakin dahil inaayosan pa ako. Tumawa na lang siya. Nakakairita pala toh? Tapos hindi pa ako sanay kasi tinangal nila yung salamin ko at pinalitan ng contact lenses.
"Th--ank y-o-uw " halos hindi ako makapagsalita dahil nilalagyan ako ng lipstick at baka pagalitan na naman ako kasi ang hirap kung ayusan. --_--
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With The Most Unexpected Person
Fiksi RemajaIt's all started with a DARE... She's just a simple girl. She's a nerd and everybody hates her including the 3bad boys of Rufflin's Academy. Parang damit kung mag palit ng mga Babae. Walang ginawa kundi mang bully at ang sakanila ay sakanila. Pero...