#korni..... hahaaha wala akong alam sa mga ganyan guys. Never ko pang na experience yun. Sorry! NBSB kasi ako.
No. Boyfriend. Since. Break. :)
okay! basa na lang kayo haha!
si Zayne po yung nasa taas 👆💞~Athena's Pov ~
Namumuti na ang mata ko dito sa restaurant nila Troy kakahintay sa bruha kung kaibigan na si coleen. Ilang oras na akong naghihintay dito pero wala pa din siya. Mag gagabi na pero wala pa din siya. Hindi ako umalis dahil never niya akong ti-nalkshit!. seriously, kailan pa siya tumangi sa girls bonding namin?. Ngayun lang!.
Kung hindi lang ako kilala dito eh malamang pinaalis na ako dito dahil baka isipin nila na ginawa ko itong tambayan dahil sa tagal kung paghihintay kay Coleen na hindi ko alam kung sisipot pa ba. At kung nangiinis nga naman ang araw eh wala pa si Troy dito sa restaurant na pag-aari ng pamilya nila. Saturday ngayun at sigurado akong nagpapakasaya na naman yun sa bar na pag -aari naman ng pamilya ni Zayne na yun ,kasama ang mga kaibigan niya ang mga 3kings. Wala tuloy akong makausap dito.
Ilang beses na din akong tumawag at nagtext pero kahit isa ay wala man lang paramdam si Coleen. kinakabahan din ako baka kung ano na ang nangyari duon pero mas nangingibabaw ang inis ko dahil sa hindi pagsipot sa lakad namin.
'Ganun ba kapag nagka boyfriend na? nakakalimutan na ang mga bestfriend '. mga katagang lagi kung naiisip pero sana naman ay hindi ,baka may kung anong dahilan siya kung bakit hindi siya nakapunta.
Sa sobrang inip ko ay napagpasyahan ko na ang lumabas na lang at mag punta sa bar. inip na inip na talaga ako. sa ganda kung ito pinaghihintay lang ako at ang pinaka ayaw ko ang pinaghihintay ako sa wala!
Sinubukan kung tawagan ulit si Coleen pero hindi niya ito sinagot. Bumuga ako ng hangin at lumabas na ng resto.
Naglalakad ako papunta sa kotse ko ng biglang may malamig na likido ang dumampi sa makinis kung balat. Hanggang sa naging sunod sunod ito.
Arggg! What a day?. umulan pa talaga ! Damn it.
Nagmadali akong naglakad papapunta sa kotse ko. Akmang bubuksan ko ang pinto ng kotse ko ng biglang may nag takip
ng panyo sa mukha ko.Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa pagkabigla at kaba. hindi ako makapagsalita. Nagpupumiglas ako sa kung sino mang taong naka all black at tanging mata lang ang nakikita ko. nakikita ko ang reflection niya sa salamin ng kotse ko.
"Mmmmm" pagpupumilit ko.
What the hell is happening? Fvck! I can't shout for help!
Nakaramdam ako ng pagkahilo. nanghihina ako at sumasakit ang ulo ko. Pilit akong dinadala ng taong ito sa kung saan. nagpupumiglas ako kaya wala siyang nagawa kundi kaladkarin ako.
Hindi na kinakaya ng mga mata ko ang amoy na galing sa tela na ginamit nila pangtakip saakin. Hilong hilo na ako pero pilit kung nilalabanan ang pagkahilo.
Bakit ba walang dumadaan dito?
"I'm sorry babe " sabi ng lalaking nakaitim. base sa boses niya. sa palagay ko kasing edad ko lang siya. Pilit ko siyang sinisiko at sinisipa pero sadyang malakas siya.
Unting unti ng bumibigay ang katawan ko. Ang tanging alam ko lang ay sinakay nila ako sa itim na van and then..........
Everything went black.......
--------------------------
Nagising ako dahil sa ingay na nagmula sa pinto. pinagmasdan ko ang paligid. hindi pamilyar ang silid na ito. Madilim
Bigla kung naalala yung kanina. What the heck! so na kidnap ako! pero ang pinagtataka ko bakit sa lahat ng kinidnap ako yung pinakaswerte?. imagine, nakahiga ako sa malambot at mabangong kama ng wala man lang tali sa kamay at paa. Walang nakatakip sa bibig ko o kung ano man na napapanood ko sa mga movie na may ganitong scene.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With The Most Unexpected Person
Teen FictionIt's all started with a DARE... She's just a simple girl. She's a nerd and everybody hates her including the 3bad boys of Rufflin's Academy. Parang damit kung mag palit ng mga Babae. Walang ginawa kundi mang bully at ang sakanila ay sakanila. Pero...